Post by chinitagurl on Nov 7, 2006 0:46:02 GMT -5
May nareceive akong text message kanina, galling kay Marcus.. forwarded message lang naman. Nung una dedma lang. Kaya lang nung binasa ko ulit may narealize ako, parang familiar yung quote. Malamang may nagsend na sakin nito dati pa.
Well, no big deal. Nangyayari naman talaga yung ganito diba? Binasa ko ulit yung quote.
"Ang puso pag nagmahal makulit, kahit hindi pwede pilit ng pilit. Hindi matuto kahit masakit, ayaw magsawa kahit paulit ulit. Kaya kung nakukulitan ka na sakin, wah mo ko sumbatan. Sisihin mo puso ko, sobrang mahal ka nyan¡"
*uck! bakit ganon? Kanina parang wala lang nung binasa ko, pero ngayon may kabog na sa dibdib!? Bat naman ganon?
Familiar talaga sakin toh eh. Ewan ko ba pero parang merong akong gustong maalala na hindi ko maalala. Sabi ko sa sarili ko, hindi pwede toh. Sumasakit na nga ang ulo ko kasi tatlong oras at kalahati pa lang ang tulog ko. Eh may pasok pa ko mamaya.
Uminom nuna ako ng mango juice, baka sakaling marefresh nito ang memory ko¡K.pero wala pa rin.
Umupo ako sa sala, tumingin sa kisame at napabuntong hininga. Hay, bakit ko nga ba sinasayang ang oras ko sa walang kwentang quote na yun?! Pero hindi eh, sino ba talaga ang naunang nagpasdala ng message na yun.
After an hour of stupidly talking to myself and contemplating if what I¡¦m doing is right and sane, biglang parang gusto kong sumigaw ng ¡§Eureka!¡¨ Anak naman ng pitumpu¡¦t pitong tinapa! Eh si Eric ang nagsend sakin nito ah..
Flash back of Memory..2 years ago.
Nakilala ko si Eric thru may cousin Grace. Classmates sila sa Computer Scinece1. Crush ni cuz si Eric, and because of that she planned to get to know him thru me. Kumabaga eh kilalanin ko daw at alamin kung ano sino nga ba si Eric. Ayos, ginawa pa kong private detective. Well, not really. Okay naman si Eric, mabait ska friendly. Nagtetext at tumatawag sya sakin pag may time sya. We get along well.
Plan #1, malaman kung may gf na ba si Eric. *wala pa!
Plan #2, ano ba ang feelings nya para sa cousin ko? *as a friend daw! (sigh) lagot kay cousin¡
Plan #3, ano ang gusto sa isang girl? *long hair at simple lang daw(hmmm pwede)
Plan#4, ilakad si cousin sa kanya! Naks! Aber kung kaya ko lang eh itatakbo ko pa sya.
Okay naman ang takbo ng mga pangyayari. Naayon sa mga plano.Yun ang akala ko. Malay ko bang may mangyayari na sa hinagap ko ay possible palang mangyari.
Alam ko ang ang tumatakbo sa isip nyo ngayon, na na inlove ako kay Eric? Toinkz! Mali ka dyan dude!
Na inlove nga ko pero hindi kay Eric. Anak talaga ng tinapa, malay ko bang mahuhulog ako at magkakacrush kay Mon. Ooppss..bestfriend sya ni Eric. At dun na nga nagumpisang magulo ang tahimik kong mundo.
Iba si Mon. hindi naman sya Alien noh!? Nung sabihin kong iba sya eh dahil iba nga sya. Hehehe! Ang gulo kausap eh noh? Adik!? Hindi eto serious na. Dati akala ko kuwentong kutsero lang yung mga narirnig kong nagyayari sa mga taong inlove. Aba, totoo pala! Akalain mo yun?
Pag tumatawag ako sa kanila, kaylangan ko munang magbuntong hininga ng isangdaang beses para mag ipon ng lakas ng loob. Tapos sa banding huli hindi na lng pala ako tatawag, hihintayin ko na lang na siya ang tumawag sakin. Nagsosolitaire ako araw-araw at nagwiwish na sana maging kami na. Corny pero totoo.. Baduy pero nagawa ko talaga yan para sa kanya.
Kaya lang may girlfriend na pala sya. Kanino ko nalaman? Kay Eric! Sinabi nya sakin ng harapan. Walang pasakalye. Paksyet! Bat naman ganon? Tiananong ko si Erci kung bakit nya kaylangang gawin sakin yun. Aba at bakit ko pa daw tinatanong eh obvious naman ang sagot. Sabi ko ¡§ Anong obvious? Di ko alam ang sinasabi mo.¡¨ Eto ang sagot sakin ni Eric "Tanga ka ba? Mahal kita!¨
Natahimik ako nun bigla. Di ko alam kung nagbibiro ba sya or what. Pero hindi pwedeng mahal nya ko, una..para sya sa cousin ko; pangalawa, si Mon ang gusto ko.
Isip isip isip.
Kinausap ko si cousin Grace. Sabi nya wala daw problema sa kanya yun kasi hindi nya na gusto si Eric. Ganon? Ang point kasi eh si Mon ang gusto ko, si Eric kaibigan lang.
Magulo. Pati si Mon tinutulak ako papunta kay Eric. Tama ba naman yun? Once and for all, kinausap ko si Eric. Sabi ko hindi talaga pwede as in cannot be borrow one. Sabi nya maghihintay sya. Sabi ko wag na. Sabi nya sabi ko daw dati special sya. Napaisip ako bigla. Sinabi ko ba yun? Siguro sinabi ko nga pero walang ibang ibig sabihin yun.
Marami pa syang sinabi pero ang sumatotal eh parang pinaasa ko sya. Isang malaking kasinungalingan! Absolutely not true!
Wala akong nagawa kundi ang umiwas kay Eric at kay Mon.
Sabi ko na lang sa sarili ko baka nagkamali lang ako kay Mon. Hbaka hindi ko naman talag sya gaun kagusto. Mawawala din itong letseng nararamdaman ko para sa kanya. Makakalimutan ko din sya. Sana nga..
Back to reality..
Anak ng tinapa! Bakit ko ba bigla naalala si Eric? After 2 years eh bumabalik ang lahat. Kamusta na nga kaya sya ngayon? Si Mon? Masaya kaya sila? Naaalala din kaya nila ako at ang mga nagyari paminsan minsan? Maraming tanong na biglang nagsulputan sa isip ko. Pero bakit pa kailangang alalahanin ang nakaraan? Wag na. Mas masarap magplano para sa kinabukasan kaysa isipin ang isang hindi ganon kagandang nakaraan? Right?
For the last time binasa ko ulit ung quote na galling kay Marcus.
"Ang puso pag nagmahal makulit, kahit hindi pwede pilit ng pilit. Hindi matuto kahit masakit, ayaw magsawa kahit paulit ulit. Kaya kung nakukulitan ka na sakin, wah mo ko sumbatan. Sisihin mo puso ko, sobrang mahal ka nyan¨
Wala ng kabog sa dibdib. Buburahin ko ba? Wag na. Hindi ko na dapat pang isipin ang nakaraan, hindi dapat magpaapekto.
Antok na ko. Matutulog na lang ako. Pag gising ko, marami pa kong marerecieve na message. Matatabunan yung message ni Marcus. Kasabay ng pagtabon sa mga alaalang ayaw ko ng balikan.
Hay buhay parang life.