karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on Aug 27, 2005 14:04:54 GMT -5
Namomoblema po ako ngayon… Isa po akong nursing student, nasa ikatlong taon na po ako. Nung una po keya ko po kinuha ang nursing ay 4 practical reason(financial) at the same time gusto ko talagang magserve lalo na sa mga nangangailangan( noon po kc eh gusto kong maging politician keya lang…mahabang istoryaJ ) Tapos nung naintindihan ko ng mabuti ang course ko natutunan ko na siyang mahalin(totoo po!) At ngayon nga sumabak na kami sa duty, parang gusto ko ng mag back out, natakot kc ako. Nasa delivery rum po kc kami at nag aassist kami sa dr. sa pagpapaanak, ewan ko po bkit bigla nalang akong natakot at nanghina tapos nagsisisigaw ung nanay natakot talga ako pwamiz! At ngayon nga po namomoblema ako dahil hindi ko alam ko tinetest lang ba ng Panginoon ang aking kakayahan at isa lamang iitong pagsubok na dapat kong lampasan o talaga bang hindi ko kaya at hindi na ako masaya sa ginagawa ko, keya lang wala naman akong choice hindi naman ako pwedeng mag shift ng course, pinapaaral lang po kc ako ng tita ko, malaki na po ang perwisyo ko sa kanya sa laki ng gastos sa course ko, nakakahiya naman po kung di ko tatapusin, pero kahit papano naman eh masya naman ako dahil iba talaga ang pakiramdam sa pagseserve sa mga taong nangangailangan… sobrang sarap lalo na pag papakita nilang naaappreciate ka nila… pero hindi ko lang talga kaya ung sa operating at delivery rum kahit na masarap sa pakiramdam na ikaw ung unang hahawak sa baby pero parang nanghihina ako tulad ng nanay na nanganganak… dahil sa experience nato mas na appreciate ko tlga ang mama ko… ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi ko kc alam kung challenge ba ito ng panginoon o hindi ko na talga kaya … maraming salamat po sa mga babasa at sasagot!
|
|
|
Post by vanessa manunulat on Aug 28, 2005 8:29:36 GMT -5
[glow=red,2,300] karen, ibig mong sabihin, hindi mo naisip na baka maging scrub nurse ka bago pa lahat ng `yan? Paano kung hindi lang panganganak? paano kung opera talaga?
don't be a quitter. quitters suck.[/glow]
|
|
karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on Aug 28, 2005 12:27:40 GMT -5
una po sa lahat salamat po sa pagbasa at pagsagot! :0 naisip ko naman po un keya lang hindi ko naisip na ganon ang magiging reaksyon ng katawan at isip ko...
|
|
|
Post by ztuztu on Aug 31, 2005 23:25:47 GMT -5
Sanayan lang yan, tingnang mo pag di ka sumuko years from now wala na yan sayo. [glow=red,2,300][/glow]
|
|
aemee
New Member
Posts: 18
|
Post by aemee on Sept 2, 2005 22:44:45 GMT -5
alam mo karen, parehas tayo.. student nurse din ako dati ngaun di na ako nag-aaral inihinto ko despite my family's protest. kasi gusto nila magnursing ako dahil malaki ang kita dito sa US, nung una okay lang sakin kasi ang nasa isip ko it's a "noble" profession nga dahil nag-aalaga ka ng mga may sakit... at sa totoo lang, feel kong magsuot ng uniform ng nurse.. kaso nung nasa second year na ako, medyo natakot na ako, pag ikinukwento ng mga instructor ko kung ano ginagawa ng mga nurses... ang kinatatakutan ko ay yung RESPONSIBILITY.. masyadong malaki. I mean, konting mali lang, for example kailangan 5 grams lang yung bibigay mong gamot, tapos naibigay mo 50 grams dedbol na pasyente mo. ayoko ng ganun.. ayokong makapatay. pero kahit ganun tinry ko pa din na magtuloy dahil sa loob ko sanayan lang kasi yun ang sinasabi nila.."sanayan lang yan". Nasa pinas pa kami nung nag-aaral ako ng nursing, ayoko ding i-give up noon dahil in demand sa abroad. kaso, dumating ang panahon na wala akong choice kundi mag-give up. dahil ayoko namang mabuhay na laging "in doubt".. kasi noong nagduduty ako, ganun ang feeling ko..lagi akong "hindi sigurado", i always second guess myself when it comes to giving care or what not kahit nagreview naman ako or minsan kahit alam ko. dahil nga, hindi mo din maiiwasan magkamali kahit minsan. ang biggest ng factor sa decision ko na mag-stop ng study is because hindi na ako masaya. period. hindi ako masaya sa duty. hindi ako nag-eenjoy. period. nabubuhay ako sa fear of doing something wrong.period dapat graduate na ako ngaun eh.. kaso kahit ayaw ng parents ko, i told them, enough. almost two years na akong nagduduty pero hindi ako "nasanay". i guess, meron talagang mga taong pinanganak para maging nurse.. and i just wasn't one of them. so, on my third year (yes, isang taon na lang graduate na ako) I quit. pero never kong niregret yung decision ko na i-give up ang noble profession na nursing. kasi it just wasn't for me. ako kasi yung tipong pag may ginagawa gusto ko perfect.. kaya pag nagnurse ako sigurado martyr ang labas ko..yung tipong di na maglulunch kakabantay sa pasyente. dumating yung panahon sa buhay ko sa duty na parang pagod na ako about everything. parang 18 pa lang ako feeling ko 30 na ako. imagine mo na lang pag nag30 na ako, e di parang 60 na pakiramdam ko!! and i realized na darating at darating ang panahon na sisisihin ko yung career na pinili ko sa magiging kalalabasan ko sa buhay. so, i gave up. minsan, He that fights and runs away, may live to fight another day.i'm now working as a collector at citibank.. and so far still undergrad. but no matter, i'm happier here. i can see the future clearly. and careerwise, i'm planning to take up BSIT next year and get a job here in citibank din as an IT. malaki din ang kita katulad ng nurses but ngaun mas masaya because i get to sit in offices up in glass covered buildings. hindi nga ako naka-white uniform, naka business suit naman ako hehe ;D i'm not saying you should give up, too. hindi ko sinasabing tama yung ginawa ko. after all, hindi ko naman masasabi kung ano ang pwepwedeng mangyari sakin sa future kung nagnurse nga ako. ang sinasabi ko lang, nasa kamay mo ang desisyon whether itutuloy mo yan o hindi. nasayo pa din ang huling salita. what i'm saying is, changing careers is not a small thing, it's something that's going to affect the rest of your life. dapat alam mong panong panindigan yung gusto mo, siguraduhin mo lang na kung saan ka man pupunta na career, magiging masya ka dapat. good luck sa iyong soul-searching!
|
|
karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on Sept 3, 2005 13:30:56 GMT -5
salamat ztuztu! (",)
|
|
karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on Sept 3, 2005 13:35:48 GMT -5
salamat aemee! sobra! iisipin kong mabuti ang lahat ng sinabi mo! masaya ako para sayo dahil nagawa mo ang bagay na talaga namang gusto mo! (",) congrats! sana nga katulad mo rin ako na ginawa ang bagay na talagang magpapasaya sa kanya! tnx 4 inspiring me! and tnx 4 d tym. na appreciate ko sobra
|
|
~**LuAn Yan**~
Full Member
"no matter where i am,,i'll be with you...always...
Posts: 204
|
Post by ~**LuAn Yan**~ on Mar 24, 2006 22:34:51 GMT -5
ay hindi kayo nag sosolo mga ate koh...
ako...sa gulang na 19 ay pinagkakatuwaan ako ng mundo...15 pa lang ako, mag si-16 na by october, ng natsugi ung fadir ko...imagine mo yun...graduating ako nun sa HS...xempre marami ang mga problema kac graduating nga...eh nag disappearing act bigla ang mahal ko fafa kaya ang hirap na ng buhay...buti nga nakakapag-aral pa ako sa kabila ng lahat...hmp...
tsaka gaya mo ate karen at ate aemee,,nursing stude din ako...dati...kaya lang sa hirap ng buhay,,di na praktikal mag-isip ng praktikal sa future...(ang gulo ata ng sinabi ko)...eneways,,yun nga i was a nursing stude...natapos ko ang 2nd semester ng 2nd year ko pero di ko itinuloy...kung academically speaking,,kaya ko naman...hindi sa pagmamayabang...(dahil di naman ako mayabang,,ata)...eh yakang-yaka ko ang mga subjects...lahat nga ng mga grades ko pinakamababa na ang 86...pero financially,,kinakapos talaga kami...kaya instead na tapusin ko ang apat na taon sa nursing nag shift na lang ako...ngayon ay isa na akong kapita-pitagang incoming 3rd yr psychology student...ahihihi...kinakapos pa rin naman kami...pero di na gaya ng dati kasi nakakuha na rin ako ng skolarship sa skul...working skolar ako eh...kelangan mag sariling sikap para magtagumpay,,yumaman,,at talunin si Bill Gates sa Guinness...hehe...
ganyan talaga ang buhay...napakasaklap...para lang yang gulong na umiikot...paikot-ikot...hanggang makarating sa boundary ng biyahe...
paxenxa na kayo ha...intindihin niyo na lang ang mga kabaliwan ng isang aspiring psychologist...magulo kac ang utak ko...kaya cguro na di ako natuloy sa bsn at lumipat ng bs psychology...para maintindihan ko ang takbo ng sarili kong utak...ahihihi[/b]
|
|
karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on May 18, 2006 22:13:11 GMT -5
tnx Luan!! I lyk ur name!! ang kyut! thank u 4 d tym u've spend reading my "problem" It's been 9 mons. and I really can't believe na nasabi ko ung mga bagay na yan, kc ngayon nag eenjoy na ko sa pagpapaanak iba pala tlga ung pakiramdam no pag gusto mo ung ginawagawa mo though dumadating parin ung tym na natatakot ako pero nakakaimmune din pala minsan! b4 naniniwala ako sa kasabihan na gawin mo ung mga bagay na gusto mo pero ngayon may natutunan ako, dapat gustuhin mo ung mga bagay na ginagawa mo dahil may mga bagay na naiibigan natin kapag mas naiintindihan na natin dva!!! salamat sa lahat ng nagtiyagang basahin ang aking "problema" hehehe take care everyone
|
|
kassandra
Full Member
"Imagination is more important than knowledge."
Posts: 208
|
Post by kassandra on May 21, 2006 5:48:32 GMT -5
elo.....alam mo ba na next year ay graduate na ako pero d ko pa alam kng ano ang course na kukunin koh....!sabi nla maganda raw pag nursing ksi makakapag trabaho ka sa ibang bansa pero xa akin hndi lang naman nursing ang kailangan mo pra makapag tarabaho ka sa ibang bansa dba...?!sipag at tiyaga lang yan...haha....ate KAREN sana inisip mo muna xa simula palang kng anu ba talaga ang gsto mng course para hindi kana nahihirapan ngayon.....
At kng spalagay mo na nursing talaga ang gsto mo ehh dapat panindigan mo na at saka FACE ur FEARS......!!!!!gud lak..... and GOD BLESS...
|
|
kassandra
Full Member
"Imagination is more important than knowledge."
Posts: 208
|
Post by kassandra on Jun 30, 2006 3:14:03 GMT -5
hay......kabilang na ako ngayon xa tinatawag nila na mga senoirs.....magkakacollege na ako....hay sana makaya ko noh.....?baka mahirapan ako...gsto ko makagraduate pra matuwa parents ko....
|
|
karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on Jul 14, 2006 20:17:28 GMT -5
hi kassandra! salamat sa pagbabasa at pagreply sa aking "hinaing" congrats pala ha at senior kana (pareho tau) hehehe noon kasing 4th yr high school ako eh gusto kong maging politician kya pinag iisipan ko kung mag popolsci ako o masscom... kya lang gusto nina mama na magnursing ako kc indemand nga sa ibang bansa, totoo nga na hnd lang naman nursing ang susi para makapunta ka sa ibang bansa, pero maari syang maging isa sa mga dahilan para makapunta ka don dba. kumbaga ba parang pasaporte mo to. sabi ko kina mama pag bumagsak ako sa UPCAT ko eh susundin ko ang gusto nila na mag nursing ako.... nakarma ata ako at hnd ako nakapasa sa UP (kaasar! ) pangarap ko ksing mag aral sa UP siguro nga wala tlga sa palad ko ang maging Journalist o politician siguro nasa palad ko tlga ang maging nurse. kya nung hnd ako nakapasa sa UP eh nagtake ako ng exam sa FEU for nursing course, fortunately nakapasa ako at eto nga nasa huling taon na ako sa awa ng Diyos!!! dahil nga nung una eh hndi ko feel ang course ko hndi ko gusto ang gingawa ko, lalo na takot ako sa dugo noon, nanlalambot tlga ako halos mahimatay pa nga ako! pero since last yr, nung dinala kami sa iba't ibang ospital eh mas naapreciate ko ung kahalagahan ng course ko. nag eenjoy nako! walang regret sa part ko na nag nursing ako, masaya ako sa tinahak kong landas! salamat sa pagkabagsak ko sa UP! gudluck sa tatahakin mong career!! piliin mo ang sa tingin mo eh gusto mo at marami kang mapapasaya!! Godbless
|
|
|
Post by arwen on Sept 29, 2006 10:02:33 GMT -5
hi karen. sanayan lang talaga ang pagiging nurse, expect more to come. and always expect the worst, para pag hindi ganun ang nangyari, ang saya di ba!? hehe! you will really learn to love what you're doing. take it from me, before quitting my job i said i really really hate being a nurse, but now. i actually miss my job. i even miss the demanding patients!! goodluck on your studies!
|
|
kassandra
Full Member
"Imagination is more important than knowledge."
Posts: 208
|
Post by kassandra on Oct 2, 2006 8:02:46 GMT -5
hi kassandra! salamat sa pagbabasa at pagreply sa aking "hinaing" congrats pala ha at senior kana (pareho tau) hehehe noon kasing 4th yr high school ako eh gusto kong maging politician kya pinag iisipan ko kung mag popolsci ako o masscom... kya lang gusto nina mama na magnursing ako kc indemand nga sa ibang bansa, totoo nga na hnd lang naman nursing ang susi para makapunta ka sa ibang bansa, pero maari syang maging isa sa mga dahilan para makapunta ka don dba. kumbaga ba parang pasaporte mo to. sabi ko kina mama pag bumagsak ako sa UPCAT ko eh susundin ko ang gusto nila na mag nursing ako.... nakarma ata ako at hnd ako nakapasa sa UP (kaasar! ) pangarap ko ksing mag aral sa UP siguro nga wala tlga sa palad ko ang maging Journalist o politician siguro nasa palad ko tlga ang maging nurse. kya nung hnd ako nakapasa sa UP eh nagtake ako ng exam sa FEU for nursing course, fortunately nakapasa ako at eto nga nasa huling taon na ako sa awa ng Diyos!!! dahil nga nung una eh hndi ko feel ang course ko hndi ko gusto ang gingawa ko, lalo na takot ako sa dugo noon, nanlalambot tlga ako halos mahimatay pa nga ako! pero since last yr, nung dinala kami sa iba't ibang ospital eh mas naapreciate ko ung kahalagahan ng course ko. nag eenjoy nako! walang regret sa part ko na nag nursing ako, masaya ako sa tinahak kong landas! salamat sa pagkabagsak ko sa UP! gudluck sa tatahakin mong career!! piliin mo ang sa tingin mo eh gusto mo at marami kang mapapasaya!! Godbless whew...hanggang ngaun hindi parin ako cgurado kung ano alagang course ang gusto ko pero sa akin lang ehh gsto ko yung related xa business.....kasi bata palang ako ehh namulat na ako xa mundo ng business....lola at lolo ko kasi nasa larangan ng business pati na yung mama ko..... hay....hirap talaga....gsto ko rin naman kasi yung course about xa food.....hay...ang hirap...!!!!
|
|
karen
New Member
Posts: 28
|
Post by karen on Mar 18, 2007 4:16:39 GMT -5
hallo everyone!!! 18 months ago, ako siguro ang pinakaproblemadong tao para pangalanan ko ang msg board na ito ng " pasan ko ang daigdig..." natutuwa ako habang binabasa ko ang isinulat ko, nagrereflect ako ngayon sa napakalaking pagbabagong nangyari sa buhay ko, hindi ko akalain na darating ako sa araw na to at walang takot na nararamdam sa pag aassist sa pagpapaanak at pag oopera... sabi nga nila experience is the best teacher, I faced my fear at eto ako ngayon tapos na ng kursong nursing. nung march 15 ang last day ko sa skul, hinihintay ko nalang ang grad namin para masabi kong graduate na ko!!! sana sa kwentong ito ng aking buhay, sa mga taong nakakkaranas ng pinagdaanan k noon wag nyong hayaang pangunahan kayo ng takot nyo, tandaan nyo lang na hindi kayo bibigyan ng Maykapal ng problemang hindi nyo kayang solusyunan... the bigger the problem the stronger u r! sabi nga ng mga Chinese pag walang solusyon walang problema! maraming salamat sa lahat ng nagbigay oras upang basahin ang yugtong ito ng buhay ko maraming salamat sa pagbibigay sakin ng advice na talaga namang nakatulong sa akin kina Ate Van, ztuztu, aemee, mamaw, kassandra at arwen maraming salmat sa inyong lahat! gudluck sa ating lahat! -karen
|
|