|
Post by kar0yski on Aug 3, 2007 7:23:12 GMT -5
PEPPER SERIESPepper 1 – Carlito AlbertiAsia Tanjuanco – a fashion icon, intelligent, smart, beautiful, a woman other women looked up to, editor-in-chief of Pepper Magazine. Carlito Alberti – COO of Alberti Industries, filthy rich, gorgeous, mysterious. The two had been married for seven years. Only people didn’t know. They didn’t live together, didn’t see each other, and hated each other’s guts…Pepper 2 – Hon. Gabriel TorilloGabriel at Victorina, nagkakilala at nabuo ang relasyon noong dekada singkuwenta. Sa limampung taong pagsasama ay napanatili nila ang pagmamahal sa isa’t isa. Sino ang mag-aakala na hindi iyon nabuo sa tradisyunal na paraan? Batang-bata at ubod gandang dilag na anak ng katiwala ng malaking lupain sa probinsiya si Victorina. Simple lamang ang buhay niya, simple ang pamilya at kaibigan at masaya nang masilayan ang lalaking itinatangi… Hanggang sa dumating si Gabriel, ang aroganteng abogadong anak ng may-ari ng lupain at nagpasyang baguhin ang takbo ng kanyang buhay---sa gusto man niya o hindi… Pepper 3 – Michael Angelo Torillo-IsidroJaney used to be so uptight. But she changed when he met a man who mended her broken heart from her first love, Angelo. But fate decided for her to meet Angelo again. She was different this time. But he was still a jerk! Fate decided to play with them a little more. Ang damdamin niya para ritong nawala ay nagbalik. Mukha namang sa pagkakataong iyon ay magiging maayos na ang lahat sa kanila… subalit kung kailan pakiramdam niya ay wala silang magiging problema ay saka naman dumating ang isang babaeng buntis. At ang ama ng dinadala nito ay si Angelo. She decided to let him go. Only he decided she was his and wouldn’t accept her rejection. Pepper 4 – Leonardo TorilloResults of psychological evaluation reveal a history of psychotic disorder characterized primarily by disturbance of thought content, the presence of alternate identities, each identity having characteristics that differ sharply from her primary identity. Currently, Patient Dorotea Arcedo appears to remain extremely distressed, anxious, paranoid, and delusional, despite self-reports to the contrary. During recent months she has shown signs of aggressive ideation and is believed to be a physical risk to herself and to others around her. Iyon ang nakalagay sa ipinakitang papel kay Lenny. Konsensiyang-konsensiya siya sapagkat siya ang naging sanhi kung bakit ang bumubuti nang katinuan ni Dora ay muling nagkalamat. At nangako siya sa tiyuhin nitong tutulungan niya ang babaeng luka-lukang naghahabol sa kanya… `Di kaya siya ang mas maunang tuluyang mabaliw? Pepper 5 – Paolo QuirinoSa kabila ng masalimuot na naging pagsasama ay nakuha ni Helen na tanggapin bilang kaibigan si Paolo, ang kanyang dating asawa. She became his confidante. She was always there for him because she was still in love with him. She knew what was going on with his love life. And it was not good. One day he asked for her help to make his girlfriend jealous. She thought it was a crazy idea so she refused. But he still did it without her knowing. And to think she was starting to get convinced he was always with her because he was starting to fall for her… Pepper 6 – Narciso FortunatoThe first time Molly saw Narciso he was wearing an eyepatch. He looked like a pirate. But the pirate managed to charm and seduce her with his elegant, suave moves and words. They spent a memorable night together. Akala niya ay doon na magtatapos ang lahat subalit simula pa lamang pala iyon, sa kabila ng katotohanang may fiancée na ito. She promised herself she won’t fall in love. But she did. One day he surprised her by telling her he was having doubts marrying his fiancée. And then he surprised her again one day she called him up and he told her he couldn’t meet her for dinner, for he was getting married that afternoon…Pepper 7 – Miguel Yakanura 1Naunang marinig ni Mirabelle ang mga sabi-sabi tungkol kay Miguel bago niya ito nakilala. Nabuo sa isip niyang isa itong banyagang dumayo sa kanyang teritoryo upang guluhin ang mundo niya, maging ng kanyang nobyo. Subalit natuklasan niyang may maitutulong pala ito sa kanya. At naisip niyang bakit niya tatanggihan ang tulong na iyon kung kusang-loob nitong inaalok at tila ganoon na lamang kabilis itong nagkagusto sa kanya. Unang plano niya ay gamitin ito para sa ikabubuti niya ngunit ang mga plano ay nagbabago, lalo na at nagsimulang maghulog ang loob niya rito. Pero paano ang mga bagay na inililihim niya rito? Napakarami niyon. At hindi niya malaman kung saan magsisimulang ayusin ang lahat. Hindi niya alam kung paano itutuwid ang maling daang natahak na niya bago pa man ito dumating sa buhay niya. Huli na ba ang lahat? Pepper 8 – Miguel Yakanura 2Sa masakit na paraan natuklasan ni Mirabelle na masarap mang magmahal si Miguel ay matindi ring anihin ang galit nito. Tao lang siya at nagkakamali rin. Tanging gusto niya ay magpaliwanag dito, magpakumbaba at humingi ng tawad. Subalit ayaw na nitong makinig. Hindi ganoon ang pagkakakilala niya rito---sa isip niya ay nabuo ang imahe nito bilang isa sa pinakamabuting taong nakilala niya sa buhay niya. At higit na masakit matuklasang ang lalaki palang inakala niyang labis siyang minahal ay ginamit lang din siya. Hinanap niya ang mga pangako nito sa kanya. Ngunit mas mabilis pa sa paglaho ng mga pangako nito ay ang paglisan nito sa buhay niya…
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 3, 2007 8:05:17 GMT -5
Barberia de Santa Lucia SeriesBarberia de Santa Lucia 1 – Binibining Barbero“Don’t hate me too much, Elena, it won’t do you any good. Because you’re gonna be mine, and there’s nothing you can do about it.”
Bata pa lamang si Elena ay hindi na siya natutuwa kay Lucio. Salbaheng bata ito at minsan ay nahuli pa niya itong may ginagawang milagro sa silid nito. Apo ito ito ng isa best friends ng lolo niya. Sa paglipas ng mga taon ay halos nalimutan na niya ito sapagkat sa America na ito nanatili. Hidi ganap ang interest niya rito kahit pa nga madalas na ikuwento ng lolo nito-na ito raw ay heartbroken sa America. Sa unang araw ng pagbabalik nito sa Santa Lucia ay hindi niya inaasahan ang muling pagkikita nila-muntik na siyang masagasaan nito. At lalong hindi niya inaasahang ang unang reaksyon niya ay magpa-cute dito. Ang kaso, wa epek iyon dito. At habang tumatagal, lumalabas ang insecurities niya sapagkat paano nga magkakagusto ang isang lalaking kasingguwapo at kasingyaman nito sa isang barbering babaeng mukhang champoy na tulad niya?Barberia de Santa Lucia 2 – Waiter, Barber, Engineer, Lover“Sabihin mo nang madamot ako, sabihin mo na’ng lahat ng gusto mog sabihin pero hinding-hondi kita lulubayan. Hahabul-habulin kita kahit saan ka magpunta.”
Rebecca had always craved for attention. Bata pa lamang siya ay iyon na ang kulang sa kanya. She was raised by an alcoholc mother while her father left them. One night at a party, while she was tipsy, she met the waiter Dado. Ito ang napagtrip-an niyang umaliw sa kanya. Kahit mukhang iritado ito sa kanya ay pinagbigyan siya nito. And then she found out her grandfather knew him. Hindi lamang pala ito waiter, barbero din ito. Napukaw ang interes niya rito. She decided to get to get to know him better. At bigla, nawala na ang pagkairita nito sa kanya. He showered her with the attention she had been craving for all her life. She fell in love with him. But she found out he lied about being a waiter and a barber. He was a successful engineer. Was he lying, too, when he acted like her lover?Barberia de Santa Lucia 3 – Kasal-kasalan“Kahit sa buwan ka pa magpunta, sasama ako. Hindi mo ako puwedeng iwan.”
Naitanong ni Maria sa sarili kung paano nga ba magpapansin sa isang lalaki. At isa pang malaking tanong sa kanya kung paano bumasa ng emosyon ng isang lalaki. Mula sa isang mainit na gabi, nagging tila isang kaibigan na lamang kasi ang pagtingin sa kanya ng lalaking itinatangi niya. At kailangang pansinin siya niton sa ibang antas. Ibig niyang mabasa ang tumatakbo sa isip nito kung bakit sila nagka-ganoon. Ibig niyang maulit ang maiinit na gabing pinagsaluhan nila. Sapagkat umiibig na siya rito. Paanong hindi? Maalalahanin, matalino, mayaman at guwapo si Saturnino--- ang kanyang asawa. Barberia de Santa Lucia 4 – Heart Emergency“I can’t get the thought out of my head that you taste like honey. Do you taste like honey?” He smiled, held her chin and gave her a proper kiss. And as he was kissing her, she realized – she was in love.
Doktora Gabriella Rufino had never met anyone as arrogant as the hospital director Rodrigo Zialcita. Face-to-face he told her he wanted her. And then he said, “I always get what I want.” Oh, the conceit of the man! Tanging nais niyang gawin ay ipamukha ritong hindi siya tulad ng ibang babaeng nagkukumahog dito. But there was no denying the fact that she was slowly giving in to his flirtations. The sexual tension between them was so powerful it was frightening. And then came that one night when she just succumbed to the temptation. And she thought things weren’t as bad as she imagined they would be. As a matter of fact, things went perfectly. She really ought to have realized there was a snag there somewhere. When she found out what it was, she couldn’t believe how big and heart breaking it was.Barberia de Santa Lucia 5 – Love Hangover “I never planned to fall in love with you. But I did. But when I did, I started to love everything about you.”
Kahit alam ni Yeye na inis si Conrad sa kanya -dahil minsan ay nasira ang diskarte nito sa panliligaw dahil sa kanya- ay nakapagtatakang inalok siya nito ng magandang trabaho. Ngunit ang kapalit pala niyon ay ang paglalakad niya sa babaeng tipo nito. Agad na sinunggaban niya ang alok nito. Ngunit nagsisimula pa lamang siya sa pagtulong dito ay ma dito ay nalaman niyan tuluyan nang nakuha ng ibang lalaki ang nililigawan nito. Ang akala niya ay good-bye na siya sa magandang trabaho ngunit tinulungan pa siya nito. Hindi niya inaasahang unti-unti nang nahuhulog ang loob niya rito kahit alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay. Mukhang maayos naman ang lahat kung hindi lamang umeksena ang kapatid niyang praning at napag-tripa-an na pikutin si Conrad para sa kanya. Ayaw niya niyon. Ang gusto niya ay makuha niya si Conrad sa maayos na paraan. Pero Ano pang magagawa niya kung inaakala na ni Conrad na kasabwat siya ng kapatid nito?Barberia de Santa Lucia 6 – Hey, Jealousy! “I Love you so much that I wouldn’t be able to function right without you. And I plan to function rest of my life, so get ready, ‘cause I’m always gonna be here even if you try to push me away.”
It seemed like a mysterious paid escort was Merryweather’s only chance to avoid dating a man who looked like a frog. Ang misteryosang lalaki ay si Ernestino. Isang estranghero ito sa kanya, maangas para sa isang mamahaling gigolo. Gayunpaman, wala siyang masabi sa kilig factor na ayaw man lamang niyang aminin ay dulot nito sa kanya, ganundin sa kanyang mga pinsan at tiyahin. Sa loob lamang ng ilang araw ay nagawa nitong pagbali-baligtarin ang mundo niya. Ngunit paano niyang hindi naman pala ito negosyante ng aliw kundi isang sikat na artist sa larangan ng potograpiya? Bigla siyang nalito, lalo at mula sa ilang taong pananahimik ay muling nagbalik sa Muggy, ang lalaking muntik na niyang pakasalan ilang taon na ang nakakalipas…. acknowledgment: special thanks to DOREEN for emailing me the teasers!!!
|
|
|
Post by cedieyui on Aug 5, 2007 18:27:59 GMT -5
galing talaga ni karoyski. idol.
|
|
kassandra
Full Member
"Imagination is more important than knowledge."
Posts: 208
|
Post by kassandra on Aug 6, 2007 6:05:17 GMT -5
ate bham ikaw din ba tong si karoyski...?
|
|
|
Post by cedieyui on Aug 6, 2007 19:07:09 GMT -5
Pinasaya at pinakilig talga ako ng Ang Love Story ni Cate AT nakarelate ako sa Ang Love Story ni Alicia Bakit sabi ni Ms. V walang kwenta tong sinulat niya. Eh ang gganda nga.
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 10, 2007 13:21:54 GMT -5
2320 For the Love of Leon
Isa lamang ang pakay ni Marpesa kung bakit siya bumalik sa Pilipinas --- ang humiram ng puhunan sa kanyang lola upang makapagsimula ng mas magandang buhay sa piling ng nobyo niyang handa na niyang pakasalan.
Hindi niya inaasahan na may hihingin palang kapalit ang matanda: kailangan niyang pakasalan ang apo ng kaibigan nito, si Leon. Kapag ang binata ang tumanggi sa kanya, ibibigay nito ang pera sa kanya. Kung hindi, sorry siya.
Sa pag-aakalang magagawa niyang ma-turn off ang lalaki sa kanya, naisip niyang pumayag sa kagusuthan ng matanda. Ngunit hindi niya inakalang kahit pinagmukha na niyang baliw ang sarili ay nais pa rin siyang pkasalan nito! Fortunately, nakakita siya ng solusyon sa problema niya nang malaman niya ang history ng love life ng lalaki. She brought back in his life a woman from her past.
Pero bakit kung kailan parang nawawala na ang binata sa kanya, na siyang nais niya, ay saka siya hindi mapakali?
2407 Being Mrs. Lao
Angel married Rudolph Lao for the sake of her father she had only met. Kulang ang sabihing guwapo lang ang kanyang asawa. Mayaman din ito at makapangyarihan. She would try hard to do her very best to make their marriage work. Pero paano niya gagawin iyon kung honeymoon pa lang ay nagloloko na ito? Could she last being Mrs. Lao?
2414 Carly & Sid's Story
Godo was Carly’s boyfriend when she met Sid, Godo’s best friend. Sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya upang pigilan ang damdaming hindi niya inaasahang madarama para ditto---sapagkat soi Godo ang taong tumulong sa kanya sa panahong kailangan niya ng taong makakapagpangiti sakanya. Hindi niya kayang ipagpalit na lamang ito nang basta, lalo na sa best friend nito.
Ngunit kalaunan ay hindi na niya nagawang pigilan ang kanyang damdamin. She and Sid had a secret affair. Until one day, he dumped her and told her he was going to marry his ex-girlfriend, and there was nothing anyone could do to stop him…
2421 When Macoy Danced The Chacha
Tinabihan ni Ferdinand si Cha-cha sa kama at agad na pumaikot sa baywang nito ang kanyang braso. Napatingin ito sa kanyang mukha at agad na hinagkan ito. Noong una ay tila ayaw nitong tumugon hanggang sa matuto itong sumabay. She was an expert. At lalaki lang siya para makapagtimpi pa sa ganito kagandang babae.
He was consumed with so much passion it took human effort for himt o stop when she asked him to.
“Why? What’s wrong, honey?” bahagyang inip na tanong niya.
“Are we making love?”
“Sure looks like it.” Hinagkan niya uli ito at sa pagkakataong iyon ay hindi na siya pinatigil nito. After the act, nakatulog agad siya. At nang magising ay ganoon na lamang ang pagkabigla niya sa magkakasunod na sampal nito sa kanyang mukha.
“Rapist! You raped me! How dare you! Idedemanda kita! Idedemanda kita!
Natulala siya.
2448 Hey...By The Way, I Love You, Too!
Abie had a feeling that she was frigid. Wala siyang madamang kahit ano sa mga naging nobyo niya. But things changed all of a sudden when Utoy kissed her. Si Utoy, ang ex-boyfriend niya noon high school na pagkatpos siyang ma-corner sa girls restroom noong graduation party nila ay umalis na ng bansa.
Now he was back and was planning to get married. Paano na kung ito lamang pala ang tanging lalaki sa buong mundo na tutunaw sa yelo niya? Hindi siya makakpayag na mapunta ito sa iba! Laban kung laban! Bahala na si Batman!
2477 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin 1
Dahil kailangang iwasan ni Flor ang isang makulit na DOM ay napilitan siyang lumuwas ng Maynila. Masaya namn siya nang agad siyang matanggap sa isang hotel bilang chambermaid. Doon ay nakilala niya si Zeph, ang big boss niya—mayaman, guwapo, arogante, batas ang bawat salita.
Hindi maganda ang naging unang pagkikita nila. Hindi sinasadyang napagkamalan niyang masamang tao ito kaya nahataw niya ito sa ulo at natutukan ng patalim.
Sinesante kaagad siya nito subalit nakiusap siyang bugyan siya nito ng isa pang pagkakataon. Napahinuhod naman niya ito.. Subalit bakit sa pagdaa ng mga araw ay tila ibig nitong mapabilang siya sa listahan ng mga babae nito?
2478 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin 2
Hindi kaya ni Flor na iwasan si Zeph. Ayaw man niya ay nahuhulog ang l;oob niya rito. Alam niyang malayo ang agwat nila sa buhay kaya ganoon na lamang ang paglaki ng puso niya nang pinatunayan nito na kung gaano siya kamahal nito. Tinalikuran nito ang lahat para sa kanya.
Subalit dumating ang pagkakataong siya naman ang kailangang magpamalas ng pagmamhal ditto upang mapabuti ito. Ngunit labis na nagalit ito sa kanya…
2546 Hermosa
Unang kita pa lamang ni Inday kay Herminigildo ay nakuha na nito ang atensiyon niya. Nagkagusto kaagad siya rito. Pero hindi pa man sila pormal na nagkakakilala ay nagkagusto na ito sa pinakamatalik niyang kaibigan.
At nanood lang siya habang namumulaklak ang relasyon ng mga ito. Hanggang sa makipaghiwalay rito ang best friend niya.
Ninais nitong makausap siya at pagsabihan ng sama ng loob. Ngunit ang simpleng pag-uusap lang sana ay nauwi sa pangyayaring kapwa hindi nila inaasahan…
2603 Ang Heredera At Si Attorney Yoyoy
Best friend ni Marie si Yoyoy noong nasa high school sila, subalit iniwasan siya nito at iniwan kung kailan kailangan niya ito. Matagal na panahon ang lumipas na hindi sila nagkit. Hindi na niya nabalitaan kung ano ang nangyari sa buhay nito.
Siya naman ay biglang parang naging teleserye ang buhay. May mayamang don na naghahanap sa apo nito at siya pala ang apo na iyon.
Nabago ang buhay niya. At muli sialng pinagtagpo ng tadhana ni Yoyoy. Noon niya natuklasang may inalagaan pala siyang damdamin para sa kanyang kababata.
Kahit idinadaan nito sa biro ang suhestiyong makipag-break na siya sa nobyo niya ay ikinatuwa niya iyon. Hanggang sa matuklasan niyang iyon ay hindi pala biro lang. May ibang motibo ito. At iyon ay hindi pabor sa kanya…
|
|
|
Post by cedieyui on Aug 10, 2007 20:09:38 GMT -5
mga bago ba yan? parang halo halo na. ung when macoy danced the chacha ko. hiniram di na binalik. haayzzz!!!
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 20, 2007 3:40:49 GMT -5
Petals and Chocolates 1 PJ used to be rich. She stopped being one because of Franco Manete. At naisip niyang marapat lamang na ibalik niya kahit kaunti ang yaman nila na nawala dahil dito. She planned to con him. But she failed. She failed so miserably that Franco even obtained hard evidence against her. He threatened to sue her unless she changed his mind. And then he said, "You might want to strip in front of me to make me change my mind easily."
Petals and Chocolates 2 PJ never expected she would fall in love with Franco but she did. Marami siyang hindi inaasahan na mangyayari nang makilala niya ito, subalit ang pinakahindi niya inasahan ay ang natuklasan niyang taling nagkokonekta pala sa kanilang dalawa mula't sapol. It was the reason why Franco hated her family. It was the reason why he could never ever love her...
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 20, 2007 3:42:56 GMT -5
ANG LOVE STORY NI POGS 1Ang unang impresyon ni Miranda kay Rosendo ay isang mayabang at aroganteng lalaki ito - palibhasa mayaman. At mukhang dala ng power tripping - dahil malas na naaksidente niya ang luxury car nito - ay gustong ipasagot sa kanya ang damage ng sasakyan. Wala itong pakialam kahit sinabi na niyang wala siyang pera at kahit sinabi na nitong may insurance naman ito.
Ngunit hindi niya inaasahang ang aroganteng lalali ay may kabaitan din pala. Unti-unting nakilala niya ito. Nagsimula siyang malunod sa atensiyon nito sa kanya. Unti-unti ay natuto siyang mahalin ito.
Ngunit sino lang ba siya kompara dito? ANG LOVE STORY NI POGS 2Nagkamali si Miranda ng akalang humalik ang langit sa lupa at totoong minahal din siya ni Rosendo,sapagkat kung kailan kailangan na niya ito ay saka nawala ito.
At sa pagbabalik nito ay gusto nitong baguhin ang takbo ng buhay niya...
|
|
thebham
Junior Member
thE LoVe oF mY LifE....
Posts: 51
|
Post by thebham on Aug 20, 2007 4:35:33 GMT -5
Book 1 – Joaquin, the Handyman by VanessaOh, Trina hated Joaquin’s stinking guts! Kapag nagsalita ito, para bang ito ay isang hari. He insulted her, looked down on her, and made her live like an ordinary individual when she was Katrina Ignacio---the Ignacio clan’s princess. Subalit wala siyang magawa sa pagmamando nito sapagkat dito nakasalalay ang kanyang credit cards, ATM cards, yaya, driver, maids, at assistant---kinuha nitong lahat ang tools for survival niya. And so he ruled her life to her utmost irritation… but why did she find herself succumbing to his wishes? Book 2 – Nathaniel, the Author by Jasmine EsperanzaIlang araw na siya sa bahay na iyon sa San Miguel. Dati-rati, ang mga alaala nila ng taong nag-ampon sa kanya ang naiisp niya pero ngayon, okupadong-okupado ni Hannah ang buong isip niya. Nagkatagpo sila si Hannah sa isang sitwasyong hindi niya inaasahan. Pero ang sitwasyong ding iyon ang nagbigay sa kanya ng isang karanasang titimo sa kanyang isip sa habang panahon. Hindi iilang beses na naisip niyang balikan ito. Ayaw din niyang matukso na tawagan si Hannah. Napakadali kung gusto niya itong kumustahin kahit sa telepono man lang. Pero hindi nga niya ginawa. Hangga’t maaari ay umiiwas siya sa mga kumplikadong bagay. At alam niya, si Hannah sa simula pa lang ay isa nang malaking kumplikasyon. Book 3 – Pedro, The Late Bloomer by VanessaSari owed Pedro a lot. Mula pa noong mga bata sila sa ampunan ay ito na ang naging kakampi niya. At nagkahiwalay man ang landas nila ay muli iyong nagtagpo isang gabi---noong panahong asensado na ito, habang siya naman ay pilit inaahon ang sarili sa buhay na kinasadlakan niya. He helped her out without questions asked and believed in her. Nagtagumpay siya dahil dito. He was the perfect man, except for his hideous clothing. He was kind, generous, smart, and rich, although a bit shy and quiet. She loved everything about him. And she silently wished that one day he was going to love her not only as a friend. But he fell in love with another woman. From the nerd he had always been, Pedro had transformed into a hottie. He got the girl. There was one problem though, he didn’t know much about relationships. And one night he came up to her and asked for tips on how to please his girlfriend physically. She gave him a lesson they both did not forget… Book 4 - Claudio, The Businessman by Jasmine Esperanza“Hindi ba niya ibinilin sa iyo ni Papa na pakasalan ako?” tanong ni Celine. “What?!” react ni Claudio na parang nabilaukan. “Insulto na iyan, Dio! Nagkagusto ka rin naman sa akin.” “Correction. I fell in love with you. Pero lilinawin ko lang, past tense na iyon, okay? We broke up. Madami ka nang ipinalit sa akin. Madami na rin akong ipinalit sa iyo.” “Gusto ni Papa na magpakasal ako sa iyo.” “Talaga? Wow! Ang laki ng tiwala sa akin ni Tito Carling. Magpapakasal ka ba naman sa akin?” balik na tanong niya. Pinamanahan si Claudio ng best friend ng kanyang ama subalit may kondisyon. Ang pakasalan ang kaisa-isang anak nitong si Celine, his ex-girlfriend. Easy. May bahay at lupa na siya, may asawa pa siyang ubod ng ganda. What a beautiful life… kaya??? Book 5 – Gunny, The Sports Superstar 1 by VanessaWar freak si Bibi. At nataong mainit ang ulo niya nang una silang magkaengkuwentro ni Isagani. Bad trip sila sa isa’t isa. Hanggang sa malaman niya ang accomplishments nito, na-impress siya. At nagpa-cute dito. Ang sinabi nito sa kanya? “You’re a nice girl. Don’t waste your time on me. I’m one of those jerks who make women cry. I don’t have any plans to do that to you. Don’t force yourself on me. Don’t make excuses to see me or talk to me. It’s not you, it’s me. I’m not into you. You take care now.” Aba! Ariba na `to! Book 6 – Gunny, The Sports Superstar 2 by VanessaAng laki ng problema ni Bibi. Mahal niya si Isagani subalit iba ang mahal nito. Kaya kahit may nabuo sa pagkakamali nila, hindi siya nito pinakasalan. Nakiusap siya ritong pakasalan siya. Isang pagkakamali. At upang makabawi, iniwasan na niyang mapalapit dito kahit naging responsable naman itong suportahan siya at ang kanyang dinadala. Madali namang iwasan ito, parati itong wala sa bansa, nagliliwaliw sa kung saang lupalop, kasama ang babaeng mahal nito. Subalit bakit sa tuwina ay nagagalit ito kapag hindi siya tumatawag o nagte-text dito? Aba, talagang pinag-iinit nito ang ulo niya! Book 7 – Hector, The Engineer 1 by Jasmine EsperanzaMahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa’t isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga ay ay isang lalaking kapantay nito ang estado ng buhay. Mayaman, sa madali’t sabi. At dahil naging constant sight na sa tabi ni Gemma si Greg—ang lalaking gusto ng mama nito para dito, nagpasya siyang gawin ang karaniwang ginagawa ng mga kabataang sinisiil. Nagtanan sila. Subalit binawi din si Gemma ng mama nito. Wala siyang nagawa. Twelve years later, nagkita silang muli. At sinalubong siya ng mga mata ni Gemma na puno ng poot. Gemma Mauricio—his first and only love, his first and forever heartache… Wala na kayang second chance ang pag-ibig nila? Book 8 – Hector, The Engineer 2 by Jasmine EsperanzaIs love really lovelier the second time around? Iyon ang gustong paniwalaan ni Gemma. Pagkatapos ng muling pagtatagpo ng landas nila ni Hector at paghupa ng galit ay natuklasan niyang mahal pa rin niya ito. Siguro ay iyon na ang pagkakataon niyang lumigaya. Pero natuklasan niyang nakatakda na palang ikasal si Hector sa iba. Masasaktan na naman kaya siyang muli?
|
|
|
Post by melanie on Aug 21, 2007 2:56:50 GMT -5
lumabas na pala ang story ni pogs? an tagal kong hinintay yun ah. nangangayayat na nga ako dahil three weeks na akong hindi nakakabasa ng tagalog pocketbook!!! grabe!!! ang hirap pala ng ganito, hindi ako makatulog, hindi makakain sa kakaisip kung kelan ako ulit makakabasa ng pocketbook. angh hirap ng nagtitipid!!!!!
|
|
lourdes-khulotzky
Full Member
"Fun is like a life insurance, the older you get, the more it cost."
Posts: 211
|
Post by lourdes-khulotzky on Aug 21, 2007 23:07:18 GMT -5
maghunos dili ka melanie baka matuluyan ka!!!!!!!!!!! baka di mo na mabasa 'to!!!!!!!!!!!! actually ipinipahanap ko na rin yan si pogs,,, nabasa ko na sya sa love story ni ruru... and i like her personality....
|
|
thebham
Junior Member
thE LoVe oF mY LifE....
Posts: 51
|
Post by thebham on Aug 23, 2007 10:01:26 GMT -5
ANG LOVE STORY NI TATAControversial three-time widow and a virgin. That was Tata. Kung kailan parang ayaw na niyang mag-asawa uli ay saka dumating sa buhay niya si Greg, ang antipatikong driver niya. Noong una ay napipikon siya rito pero aminado siyang napukaw nito ang kuryosidad niya sa personalidad nito. Tahimik lang ito, misteryoso.
Hanggang sa unti-unti ay tila napanatag na ito sa kanya at hindi nagtagal ay nagtapat ito ng pag-ibig. Hinayaan niya ang sariling sumunod sa dikta ng kanyang puso. Pero dumating ang araw na natuklasan niyang hindi pala totoo ang Greg na nagpakilala sa kanya. Ito pala ay si Zandro, isang lalaking ang tanging gusto ay magdusa siya.
|
|
|
lourdes-khulotzky
Full Member
"Fun is like a life insurance, the older you get, the more it cost."
Posts: 211
|
Post by lourdes-khulotzky on Aug 23, 2007 23:10:30 GMT -5
thebham, new series po ba yan ni miss vanessa yong love and magic? ?
|
|