|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 7:54:51 GMT -5
This thread is for Miss Vanessa's books only!!!! Please do not post replies here only books that u have which was not yet posted. I will try my best to post book covers as well as teasers so that u could have a look at it. I cant do this is one sitting but i will try to update this from time to time Have fun everyone coz Vanadiks rocks!!! 1356 TOBY LOVES CANDYHindi maunawaan ni Candy ang sitwasyon nila ng kababata niyang si Toby. Mahigit sampung taon niyang hindi nakita ang lalaki at ngayo'y umaakto itong daig pa ang isang ulirang nobyo.
Why? Palagi itong nakaalalay sa bawat gawin niya, laging nakabuntot saan man siya magpunta at, higit sa lahat, naging hobby na yata nito ang paghalik sa kanya.
At siya naman, hinahayaan lamang niya ito.
Litung-lito na siya kung kaya't ipinasya niyang tanungin ito. Ngunit isa palang malaking pagkakamali ang ginawa niyang iyon. 1405 WHEN LEOPOLDO MET SALLYAyaw ni Sally kay Pol dahl mukhang hindi seryoso sa buhay ang lalaki. Idagdag pang sa tuwing makikita siya nito, hindi niya maunawaan kung talagang nanliligaw ito sa kanya dahil wala itong ginawa kundi ang asarin siya. Isa pa’y ibang lalaki ang nagmamay-ari ng kanyang puso – si Mikael.
Nakaisip siya ng magandang plano. Paliligawan na lamang niya kay Pol si Cassandra, ang babaeng karibal niya upang makuha na niya nang tuluyan ang atensiyon ng lalaking “mahal” niya.
Kaya lang ay bakit ganoon?
Parang may kung anong tumutusok sa dibdib niya sa tuwing makikita niyang magkasama sina Pol atCassandra? At bakit sa tuwina’y naalala niya ang mainit na halik na dalawang ulit nilang pinagsaluhan ni Pol? 1527 GUMAMELAIsang lalaking oozing with testosterone ang siyang tipo ni Gumamela. Iyon , sa katunayan, ang nagustuhan niya sa kanyang former boyfriend na sukat na lamang nang-iwan sa kanya, si Polding.
Kaya naman nang makilala niya si Red ay hindi man lamang siya naging interesado rito. Masyado itong mabait sa kanyang panlasa. Nang manligaw ito sa kanya ay buong pamilya niya ang nag-udyok sa kanyang sagutin ito. Naisip niyang walang masama. Baka sakaling matutuhan niya itong mahalin.
Ngunit muling nagbalik si Polding. Ginulo nito ang kanyang mundo. Nagkalayo sila ni Red. At kung kailan naman sila nagkalayo ay saka niya na-realize na mahal na mahal pala niya ang binata.
Nakabuo siya ng desisyon: Babawiin niya si Red sukdulang ligawan niya ito!
Wala siyang pakialam na hinarana pa niya ito pero mukhang dead-ma na talaga siya rito.1843 TATLONG LINGGONG PAG-IBIGI am Antonio Toledo, the painter. The first time I saw Ana I thought she was pretty. No, not pretty, she was beautiful. I didn't dwell on the thought because she was my brother's girlfriend, and I, too, had a girlfriend then. Anyway, things got so complicated that I kidnapped her, without realizing it. I took her to my beachfront property on an island. I found out what a wonderful person Ana is. She's funny, she's sexy, she's a great cook, she's intelligent, she could sing. I never thought I could sleep till midmorning and feel like I want to go back to sleep because she's there by my side. I am an early riser, you see. And I never thought kidnapping was fun. And I never thought I'd end up falling so much in love with my kidnapee. Sana, maniwala na siya sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo. Maputol na sana ang drawing hand ko kung nagsisinungaling lang ako. 2054 ANG AKING HAPPY ENDING Hindi sinasadya ni Chariton a ma-in love kay Ade. Basta isang araw ay hindi na mapalis ito sa isp niya.
He was a great guy. He was everything any woman would want – rich, sexy, funny and gorgeous. Why wouldn’t she fall for him? Sinubukan niyang mapalapit dito. At nang alukin siya nitong maging business partner nito ay agad siyang pumayag. Nalaman nito ang kanyang nadarama para ditto. But to her dismay, he told her he could never like her, that she was like a little sister to him.
He started introducing her to other men. And when she started going out with one of them, si Romeo, napansin niyang palagi nang naiirita ito. Hantaran pang sinabi sa kanya na hindi siya bagay sa isang tulad lamang ni Romeo.
Kikiligin na sana siya. Ang kaso, alam niyang wala namnag ibig ipakahulugan iyon, lalo pa at nakilala na niya ang sopistikadang, at ubod bait na nobya nito…2148 LOVE TRICKS, LOVE MAGICDonnie was Barbie’s best friend. Ito ang batang nagnakaw sa kanya ng halik noong bata pa siya at hindi niya inakalang makakasundo pala niya. After years of being friends, she realized she was in love with him.
Ilang ulit na tinangka niyang sabihin ditto ang kanyang nadarama ngunit parati siyang pinipigilan ng pangambang baka masira ang pagkakaibigang inalagaan nila sa kabila ng distansiya at panahon.
Isang araw ay sinabi nito sa kanyang magpapakasal na ito sa isang babaeng kakikilala pa lamang nito – sa babaeng hindi maganda ang reputasyon, sa babaeng hindi nababagay rito. Sinabi niya rito ang opinion niya, They had a terrible fight.
“Kaibigan kita pero imbes na suprtahan mo ako dahil amsaya ako, nagagalit ka. Bakit ganyan ka? Ano ba ang inaasahan mo? O baka naman may gusto ka sa akin?”
Inay ko! 2231 ANG MISTERYO NG MALDITAJT met Paola Danica one night while she was stinking drunk. Hindi niya alam kung bakit tinulungan niya ito gayong bukod sa hindi namn niya kilal ito ay nagsuka pa ito sa kalsada, at walang pakialam kahit na masagasaan ito ng mga naglalakihang bus sa Cubao.
When she passed out, he took her to a motel. And he woke up with cops arresting him. Wala pa mang beinte-kuwatro oras ay napakarami nang nangyari sa kanya dahil sa babaeng ito: Napasakay siya sa ordinaryong bus nang wala sa oras, nasukahan, naaresto nang naka-briefs lang, at nagpalipas ng gabi sa presinto.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, bakit hindi niya magawang pahindian ang dalaga sa mga hiling nitong lahat naman ay tila sinadya upang malagay siya sa alanganin? Bakit siya nagtitiyaga rito gayong sinabi mismo nito na hindi ito handa sa aniumang relasyon?
He was a class-A male, chasing a crazy, mysterious maldita. Somehow, that was all right with him. What the hell happened to the universe? 2314 FOR THE LOVE OF RODINGKaren tried to seduce Roding, the president of the company her father cofounded. Her reason was simple: she was in love with him. But she failed in her attempt. At hindi lamang ganoon ang nangyari, isinumbong pa siya nito sa kanyang ama, dahialn upang ma-disown siya at paalisin siya sa kompanya nila.
At natuklasan na lamang niyang ang ipinalit ng kanyang sa ama sa kanyang posisyon ay ang pinsan niyang buwisit sa buhay niya. And then she found out her cousin was Roding’s girlfriend. Nagpuputok ang butse niya. Ang dalawa ang mga mortal na kaaway niya at kailanagan niyang makaganti.
Simpla lang ang kanyang plano: ang magkasira ang dalawa at humalakhak siya sa banding huli. Subalit saglit na panahon pa lang ang lumipas ay nagbago na kaagad ang plano niya. Nauwi iyon sa: ang magkasira ang dalawa upang humalakhak sa banding huli kapag si Roding ay nobyo na niya.
Ang tanong: magtagumpay kaya siya gayong minsan na siyang tinanggihan ng lalaki?
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:05:36 GMT -5
SERIES 1: CHARADE
The Way I Love You
Can’t Fight Love
Proud Love
Let me in Your Heart
Hero of the Heart
The Key to You
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:07:54 GMT -5
SERIES 2: FRIENDS FOR ALWAYS1. Lia
Nakilala ni Lia si Derek dahil nanligaw ito sa kaibigan niyang si Kelly. Ayaw ni Kelly sa binata--- kahit pa nga nandito na ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae sa isang lalaki.
Nagkataon naming magmula nang makilala niya si Derek, parati nang nagkukrus ang mga landas nila. Akala tuloy nito ay sinusundan niya ito. At sa tuwing nangyayari iyon, wala na itong ginawa kundi asarin siya.
Nais niyang tirisin ito nang pinung-pino sa sobrang inis. Subalit bakit sa tuwing magkakalapit sila, nanghihina ang kanyang mga tuhod? Namimigat ang talukap ng mga mata niya at nais niyang hagkan siya nito?
2. Kelly
Dahil sa isang traumatic experience noong bata pa siya, anging ilag sa mga lalaki si Kelly. Until she met, Dr Paolo Rapaem, a very good psychiatrist. Hindi lamang siya nito tinulungang tanggapin ang masamang pangyayari sa buhay niya, itinuro pa nito sa kanya kung paano ang magmahal.
Subalit wala itong maipangako sa kanya. At nalaman niya kung bakit. Nakatakda na itong ikasal. Ang pinakamasaklap, nalaman niya iyon ilang araw bago ang mismong araw ng kasal nito.
Tulad ni Julia Roberts sa pelikulang My Best Friend’s Wedding, gumawa siya ng paraan upang mapigil ang kasal nito.
Kaya lang, kung si Julia Roberts nga ay hindi nagtagumpay, siya pa kaya? Up to last minute ay nananalangin siya para sa isang milagro. Dinggin naman kaya ang kanyang panalangin?
3. Angel
4. Kiko
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:09:51 GMT -5
SERIES 3: SANDCASTLESJoaquin Gabriel Zaragoza
Maria Amor Cipriano
Carlitos Cuervo
Isabela Torres
Ang tanging nais ni Isabela ay yumaman. Sa isip niya, alam niyang kapag yumaman siya, wala nang taong maaaring makapanakit sa kanya.
Gagawin niya ang lahat makamit lamang ang nais niya. Sha planned to seduce filthy rich men and cry rape afterwards.
Ngunit pumalpak ang unang plano niya. Wala siyang ibang choice kundi ang pagtiyagaan ang nerdy millionaire na si Josefino de Asis.
Dumating ang pagkakataong hinihintay niya. Tuluyan na niyang naakit si Josefino. Sampung milyong piso ang kapalit ng pambablackmail niya rito.
At nang sadyain siya nito sa kanila…
“Alam mo, Sabel. Kung maibabalik ko ang lahat, wala akong babaguhin na kahit ano. I could have given you everything I own dahil hindi mababayaran ang kaligayahang nadama ko sa loob ng ilang buwang nakasama kita, “ sabi nito.
Pakiramdam niya ay dinikdik ng almires ang puso niya.
Rodrigo Madrid
Tinakasan ni Wednesday ang kasal nila ni Jared. Sumama siya sa isa niyang kaibigan nang magbakasyon ito sa probinsiya.
Sa pagtungo niya roon, isang misteryosong mansion ang labis na nakaakit sa kanyang pansin. Hindi niya natiis na hindi tuklasin ang misteryo niyon.
Ngunit nahuli siya ng guwapo ngunit misteryoso ring may-ari niyon – si Rodrigo Madrid. Ikinulong siya nito roon.
Noong una ay nagrerebelde siya. But when she learned how his wife and child died, her heart went out to him.
Gusto niyang tapusin na ang pag-eermitanyo nito.
Ngunit hindi niya inakalang sa gagawin niya ay mamemeligro ang puso niya…
Angela Cabrera & Jaime Miguel Linero
Ipinangako ni Angela sa kanyang sarili na pagbabayarin niya ang lalaking nagtulak sa kanyang kapatid sa maaga nitong kamatayan.
Pagkaraan ng pitong taon, nahanap din ng imbestigador na inupahan niya ang Miguel na binanggit ng kapatid niya sa huling sulat nito sa kanya. Sa labis na pagkasabik na malaman ang katauhan ng lalaki, she chartered a plane para lang makabalik sa Maynila.
Nabuwisit siya nang malamng hindi siya nag-iisa sa flight na iyon. Kasama niya ang isang lalaking nagngangalang Jaime na guwapo nga ay mailap at arogante naman.
Ngunit hindi sa Maynila nag-landing ang eroplano. Nagcrash sila sa isang isla. Doon sa islang iyon, nabuo ang pag-ibig sa pagitan nila ni Jaime.
Nang ma-rescue sila, isang bagay ang nadiskubre niyang labis niyang ikinapanlumo. Si Jaime ay si Miguel. She loved the man she was supposed to hate!
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:17:36 GMT -5
SERIES 4: LOVE JUNKIES BATCH 1 1. Stella, the Reluctant Love Junkie
2. Alice, The Self-Confessed Love Junkie
3. Maya, the Stubborn Love Junkie
4. Faye, the Clueless Love Junkie
5. Luisa, The Eager Love Junkie
6. Whitney, The Remorseful Love JunkieLOVE JUNKIES BATCH 27. Lavinia, The Bratty Love Junkie
8. Danica, The Disillusioned Love Junkie
9. Madeline, The Overzealous Love Junkie
10. Angela Lee, The Convert Love Junkie 1
11. Angela Lee, The Convert Love Junkie 2
12. Corrine, The Duped Love Junkie
13. Didith, The Reasonable Love Junkie
14. Nelia, The Ambitious Love Junkie
15. Yana, the Prayerful Love Junkie
16. Alexa, the Insecure Love JunkieLOVE JUNKIES BATCH 317. Aurelio, Ang Makisig na Romantiko
18. Paulino, Ang Aroganteng Romantiko 1
19. Paulino, Ang Aroganteng Romantiko 2
20. Ignacio, Ang Mapanuksong Romantiko
21. Crisostomo, Ang Malambing na Romantiko 1
22. Crisostomo, Ang Malambing na Romantiko 2
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:20:25 GMT -5
Groove Fever Mini-Series LOVE DANCEKapwa sila may hinahanap nang magtungo sa mainit, maingay, at makulay na party na iyon - si Maxima, hinahanap ang nobyo nito; si Steve, ang anak daw nito.
Maxima's heart got broken nang makita niyang may babaeng kasayaw ang kanyang nobyo. Umalis siya at tulalang sumakay sa isang nakaparadang kotse. It happened to be Steve's car. He asked her to step out but she didn't. Kailangan niya ng kasama, kung hindi ay tuluyan na siyang mababaliw. Wala itong nagawa kundi isama siya sa pag-alis nito.
They headed out for what seemed to her as an impossible chase - ang paghahanap nga sa anak daw nito. Mula sa Quezon City ay nakarating sila sa Batangas, Tagaytay, atCagayan De Oro City. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Bawat oras na napapalayo siya sa kanyang tahanan ay napapalapit naman ang puso niya kay Steve.
Could a party like Groove Fever, the hippest, nastiest party this century, pave the way for her to meet the love of her life? RHYTHMS, DESIRESHindi naging maganda ang kanilang unang pagkikita. At ang mga sumunod ay naging kasing-asim ng una. Para kay Chi, masyadong msyabang si Pete. Hindi ito boto sa kapatid niyang lalaki para sa kapatid nitong babae. Ngunit sa huli nagkasundo rin sila. As a matter of fact, he told her he wanted her to be his. Pumayag siya dahil sa kabila ng pagkakainisan nila ay aminado siyang nahulog ang loob niya rito.
Para sa isang tulad niya, isang pangarap ito. Ganoon nga lamang yata ang magiging papel nito sa buhay niya - isang pangarap na hindi pala niya maaabot. Dahil kung kailan lulong na siya rito ay saka nito sinabing wala itong planong maging seryoso sa kanilang relasyon.
And just like that, he found someone new - a sophisticated, beautiful, and kind woman. Ano ang laban ngisang tulad niya na pinalaki ng baklang manggagantso at laos na babaeng mababa ang lipad na ang ikinabubuhay ay pamimirata ng mga CDs? TWO TO TANGODepressed si Cee-cee nang magtungo siya sa Groove Fever. She got drunk and asked a stranger to buy her another beer. The stranger was Pio, a computer nerd, fresh from makeover. Isa lang ang intensiyon nito kung bakit nagtungo ito sa party na iyon - sundin ang bilin ng ina nitong wakasan na ang pagiging birhen nito.
When Miss Depressed met Mr. I-want-to-get-this-over-and-done-with-so-my-mom-would-get-off-my-case-, they ended up doing it. The morning after was great, too. Pero saan hahantong ang relasyong nagsimula sa ganoon?
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:22:07 GMT -5
Dark Chocolate Series [/color] Dark Chocolate 1: Sweet Deceptions, Love In Disguise
Dark Chocolate 2: Sugary Lies, Hearts On Fire
Dark Chocolate 3: Luscious Sins, Love Aflame
Dark Chocolate 4: Hearts in Doubt, Delightful Surprise
Dark Chocolate 5: Bitter Blunder, Sweet Surrender
Dark Chocolate 6: Triple Treat, Love Reassured
Dark Chocolate 7: Decadent Secrets, Sugar-coated Lies, Lovers’ Paradise 1
Dark Chocolate 8: Decadent Secrets, Sugar-coated Lies, Lovers’ Paradise 2[/center]
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:29:00 GMT -5
JewelsTopaz: Lucky CharmIsang antique na kuwintas na maymalaking topaz pendant ang naging daan upang magkrus ang mga landas nina Bituin at Alexander. Kailangan ni Alexander ang kuwintas para sa may sakit na abuela nito. Nangako naman si Bituin sa ipagbibili niya ang kuwintas dito kung sasamahan siya nito sa Cavite upang pakiusapan ang kanyang ex-boyfriend na balikan siya.
But a funny - and unexpected - thing happened on their way to Cavite. Bituin found herself faliing in love with Alexander... BlueAng Pinakaguwapong Sikyu sa Balat ng Lupa
Ang Pinakaguwapong Magbabalut sa Balat ng Lupa
Some Kinda’ Fishy
Para, Mama, `Wag Mo `Kong Itanan! Love CaféA Cup of your Warm Kinda’ Lovin’ Niligawan ni Fiona si Paquito - noong panahong tadtad pa siya ng pimples sa mukha, may braces sa ngipin, at puno ng bilbil sa katawan. Labis niyang pinagsisihan ang ginawang pagsulat dito, pagbigay ng bulaklak at tsokolate dahil nang malaman nitong siya ang mystery sender nito ay sukat sabihin nito sa lahat na wala sa loob nito ang pagtugon sa mga sulat niya.
Makalipas ang maraming taon ay muli silang nagkita. Wala na ang tagihawat at braces niya. Malaki na rin ang nabawas sa kanyang timbang. Ito naman ay kasingguwapo pa rin ng dati... At mayabang pa rin!
Wala na talaga siyang pakialam dito, ngunit dahil sa magkaibigan ang mga magulang nila ay napagkasunduan ng mga itong ipakasal sila. Ngunit sukat naglayas ito nang malamang ipapakasal sila!
Oh, no, she would never let one guy dump her twice! Sinundan niya ito upang ipamukha ritong kung ayaw nitong pakasalan siya ay lalong ayaw niyang pakasalan ito! Pero paano niya makukumbinsi ito kung mismong siya hirap paniwalaan ang bagay na iyon? Working GirlMalambot Kong Puso
Wala na yatang kasinsungit ang bagong boss ni Josa na si Fernando Anteco. Parati itong nakasimangot, parang galit sa mundo. At natuklasan niya kung bakit -- iniwan ito ng fiance nito at sumama sa iba.
Ngunit habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya sa guwapong binata, kahit pa nga tila ito ang hari ng mga nagme-"menopause." Natagpuan kasi niyang bagaman ito ay masungit, mabait at responsable din naman ito. At hindi maubos-maisip kung bakit iniwan ito ng dating nobya.
Isang araw ay nalaman niya kung bakit. Ang sekreto nito ay kanyang natuklasan... At ang "malaki at malamyang" sekretong iyon ang nagpalubog sa kanyang puso...
High on Love
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:38:53 GMT -5
My Lovely BrideYan-yan and Romeo
Gelyn And Ace
Donna and Hugh
Dedee and SethMy Love, My HeroDRACO SALVADOR
Si PO1 Eula Serna ay isang matapang na alagad ng batas sa bayan ng San Jose.
Ang tahimik nilang bayan ay nabulabog dahil sa sunud-sunod na pagkamatay ng mga kababaihan. At siya ang naatasang mag-imbestiga.
Ang sabi sa report sa diyaryo, kagat daw ng bampira ang dalawang butas sa leeg ng mga biktima.
Lalo siyang kinilabutan nang makilala niya si Draco Salvador, ang misteryosong lalaking nobyo ni Dana Ybanez—ang prime suspect niya, sa loob ng morgue. Paano naman siya hindi kikilabutan, unang pagkkita pa lamang nila ay tila namagneto na siya sa mga mata nito at tila nawalan ng lakas ang mga tuhod niya?
Subalit habang lumalaki ang ebidensiya niya laban sa lalaki ay lalo lamang nahuhulog ang loob niya rito…
LEON
Lumuwas sa Maynila si Isay pasa isakatuparan ang pangarap na maging isang sikat na artista.
Sa kasamaang-palad, bumagsak siya sa pagiging tindera.
Suwerte naming nagtagpo ang mga landas nila ni Leon. Ang poging may-ari ng isang advertising agency. Nangangailangan ito ng bagong modelo. Umatras kasi ang orihinal na modelo ng isang shampoo commercial.
Agad naman siyang pumayag. Nag-click sa masa ang commercial kaya naging sunud-sunod ang mga offers sa kanya.
Ngunit sa halip na matuwa ay nalungkot pa siya. Nararamdaman kasi niyang habang pumapaimbulog siya sa tagumpay ay unti-unting lumalayo sa kanya ang guwapong binata.
Kinompronta niya ito.
Tila tumigil sa pagtibok ang puso niya nang marinig ang sagot nito.
CARLOS
WILLIAM SEBASTIAN GABRIEL CORNELIUS HURTADO III
J UY
Malaki ang problema ni Zel. Nasangkot siya sa isang ilegal na aktibidad nang wala siyang kamuwang-muwang. Ngayon ay nangangailangan siya ng malaking halaga upang hindi siya patayin ng mga miyembro ng sindikato.
Kung kailan naman siya sumuko na sa pag-iisip kung paano siya makakalap ng pera ay saka naman inihain ng tadhana sa kanya su J Uy, ang anak ng amo niyang Intsik. Ito na ang solusyon sa kanyang problema.
Isang hakbang ang kanyang ginawa na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magagawa niya.
Dapat ay matakot ito sa kanya, ngunit siya pa ang nabuwisit nang husto sa kakulitan nito. At kapag hindi na niya alam ang gagawin ay ito pa ang nagpaplano ng kanilang susunod na hakbang.
Was J just looking for an adventure? Siya ba ang adventure na iyon? Paano na siya kung natagpuan niyang sa huli ay ang puso naman niya ang nabihag nito?
WILCE
PEPE
Napilitang magtungo si Carmelite sa San Fernandina dahil sa sunud-sunod na death threats na natatanggap niya. Bukod pa roon ay hindi niya matanggihan ang offer ng abogado ng lola niyang kailanman ay hindi niya nakilala. Ibibigay raw sa kanya ang natirang ari-arian ng matanda basta manatili siya sa San Fernandina at pagyamanin ang lugar na iyon.
Ngunit pagtapak na pagtapak pa lamang niya sa bayang iyon ay agad na siyang nagduda kung tama ang kanyang naging pasya. Lahat ng tao sa lugar na iyon ay naniniwalang siya ay apo ng isang aswang.
At nang makita niya si Jose “Pepe" Isidro, ang abogadong siyang papatnubay sa kanya habang naroon siya, nakumpirma niyang mali ang kanyang naging desisyon.
For he looked like the devil himself!
FRANCO CORTEZ
Isang gabi ay tila hulog ng langit na dumating si Franco sa saklolo ni Paige. Dinala siya nito sa probinsiya upang protektahan siya sa hindi pa nakikilalang nagtangkang dumukot sa kanya. At sa lugar na iyon kung saan sariwa ang hangin, maganda ang bawat umaga, masarap ang pagkain, at tiwala siya sa siguridad niya ay nakita niya ang mga bagay na hindi niya noon napansin kay Franco—ang manliligaw na binasted niya.
Unti-unti ay parang nais niyang pagsisihan ang pambabasted niya rito noon. Nakaka-frustrate na noon ay abot-kamay na niya ito. Idagdag pang sa eksena ngayon ay may isang Belinda na umaangkin kay Franco.
She was not supposed to care. Pero hayun siya at ngitngit na ngitngit at nais sabunutan ang babae. Dahil ang kapal ng mukha nitong magpahayag ng territorial message! Kanya si Franco! Kanya lamang!
GODO
Nakasaksi ng isang krimen si Negs kaya kinailangan niyang tumalilis sa crime scene dis-oras ng gabi. Ulilang lubos siya at walang ibang malalapitan kundi ang kaibigan niyang bading na si Tonio.
Ang kaunting ipon niya sa bangko ay hindi na niya nagawang balikan sapagkat naging wanted siya sa isang krimeng hindi naman niya ginawa. At dahil nahihiya siya sa kaibigan niya na karguhin siya nito ay pimayag siya sa isang baliw na ideya: ang magtrabaho rin sa club na pinapasukan nito bilang drag queen.
Doon ay natanggap naman siya at nakilala niya ang ubod guwapong si Godo, ang may-ari ng lugar. Ang kaso, sa pagkakaalam nito ay isa siyang bading!
Bakit biglang ibig niyang ihabol ditong babae siya? Pero kung sakali bang malaman nito iyon ay pag-uukulan siya nito ng ibang tingin? Nababaliw na yata siya. CINDERELLATIJUANA, THE LOVELY WITCHLUPE, THE CONQUEROR OF THE ROGUEDahil pinag-aaral naman si Lupe ng asawa ng tiyuhin niyang matagal nang pumanaw ay pumayag siya sa uri ng pagtrato sa kanya ng mga anak nito. Sa sarili niya, makakapagtapos din siya ng pag-aaral at makakaalis sa poder ng mga ito.
Ngunit bilang maid ay nakilala niya si Stephen Santa Maria, ang lalaking napipisil ng tiyahin niya para sa anak nito. Ngunit mukhang sa kanya interesado ang lalaki. Kapag tinatanong niya kung bakit panay ang sunod nito sa kanya, sasabihin lang nito na gusto nitong makasam siya.
But it seemed too good to be true. Ni minasan ay wala pang tumrato sa kanya ng espesyal.
Totoo nga kayang dumating na ang Prince Charming niya? SELMA, THE RUNAWAY TEMPTRESSKatulong ang trato aky Selma ng kanyang tiyahing si Belia at anak nitong si Gotcha.
Nang pilit siyang pinasali ng tiyahin sa Karakol, wala siyang magawa, kahit pa nga mukha siyang saranggola sa baro't sayang suot niya. Noon niya nakita ang nobyo ng pinsan niyang mula sa Maynila. Isa lamang ang deskripsiyon niya rito: anghel.
Ang akala niya ay iyon na ang una't huli niyang pagkakataon na makikita ang "anghel" ngunit nang maglinis siya sa silid ng kanyang pinsan nang madaling-araw na iyon ay naroon ang lalaki at ang tanging saplot ay briefs.
Para siyang naestatwa sa tigas. Hindi niya nagawang kumilos. Nang nagising ang "anghel," tinanong siya nito, "Is this some sort of surprise?"
Wala siyang masabi. Lalo na nang hinigit siya nito at hinagkan sa mga labi. Hindi lamang yata lakas ang tumakas sa kanya kundi maging ang kanyang huwisyo dahil hindi siya nakatutol nang kalasin nito ang kanyang panloob.
When he started to caress her ay saka pa lamang siya natauhan. Itinulak niya ito at nagtatakbo palabas ng silid.
Later on, she realized na naiwan pala niya ang bra niya rito... Modern GirlMy Boyfriend Requirement List
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 8:57:06 GMT -5
TXTLYFMy Textmate Jaime
Ang Torpe at ang Baduy
Si Ma’am at si Sir
Ang Bebe Ko
Love Vibration
Hindi naging maganda ang unang pagtatagpo nina Bei at Rod. Paano ba naman, inakala ng binata na siya mismo ang um-order ng isang adult toy na ito mismo ang nag-deliver. Siyempre pa, inis na inis siya dahil sa nakalolokong ngiti nito.
Ang lakas ng loob nito at nagawa pa siyang i-text. Siyempre, ni-reject niya ang pakikipaglapit nito. Pero dumating ang punto na hindi na talaga niya ito maiwasan. And worse, pati puso niya ay hindi na rin makaiwas ditto.
Gusto niyang maniwalang mahal din siya ng binata pero andon pa rin ang pag-aalinlangan na baka gusto lamang nitong “makaisa” sa kanya.PHR CLASSICSSa Likod ng mga Panaginip
Alaala ng Pangako
Sa isla kapwa lumaki at nagkaisip sina Daniella at Ramon. Doon din sumibol ang pag-ibig na inalagaan nila ng napakatagal na panahon. Isang wagas na pagmamahalan na naging inspirasyon nila sa pagbuo ng mga pangarap at nithiin nial sa buhay.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Pinaglayo sila ng panahon. Winasak ng unos ang kanilang mga puso, pilit inaanod pati ang kanilang mga kaluluwa.
At nagyon, makalipas ang maraming taon, ay sinasariwa na lamang ni Daniella ang nakaraan. Sapagkat doon na lang niya maaring ibalik ang lahat… ang magagandang alaalang iyon.
Nakatira na nga sila ni Ramon sa iisang bubong ngunit ibang-iba na ito--malamig…malayo sa kanya.
Ang Pag-ibig ni Bruno
Si Ditas ay naging piping saksi sa labis na pagmamahal ni Bruno kay Ida sa loob ng napakahabang panahon. Alam na alam niya kung gaano ang naging pagtatangka ng binata na maabot at makuha ang puso ni Ida. Siya ay labis-labis din ang pagmamahal sa binata at handing gawin ang lahat upan ikonsidera siya nito bilang isang babe at hindi isang kaibigan.
At nang isang gabing parang gumuho ang mundo ng binata sa tuluyang pagkawala ni Ida tungo sa kamay ng iba ay nialpitan siya nito at may hiniling sa kanya: “Tulungan mo ako, Ditas, puwede ba? Tulungan mo akong kalimutan siya.”
Hindi niya kayang pahindian ang hiling nito. Hindi malinaw sa kanya kung kaya niyang gawin iyon o hindi, ang tanging naisip niya ay kailanagan niyang sumubok… SYLVIA ROCES LOVE FILESNang Gabing Iyon
Kinaiinisan nang lubos ni Odette si Teb, ang best friend ng kuya niya. Katu-katulong kasi tio ng kuya niya sa pagbabantay sa kanya na animo mga guwardiya-sibil.
Si Te bang sinisisi niya kung bakit – sa edad niyang beinte-tres – ay never been kissed pa rin siya.
Ngunit isang gabi, may nangyari sa kanilang dalawa. Paano niya nagawang isuko ang sarili sa lalaking kinaiinisan niya? Well, she had an explanation for that. Lasing siya kaya niya nagawa iyon.
Ngunit ang hindi niya maipaliwanag ay nang ibigay niya rito ang sarili sa ikalawang pagkakataon. Na hindi na siya lasing…PHR CLASSIC - GEMSGunita Ng Ilusyon
Sa Buhay ni Ida
Lumaki sa probinsiya si Ida. Doon ay nbinuo niya nag batang panagarap para sa hacienda na kanyang kinagisnan. Ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nabigyang-katuparan. Bihag pala siya ng kahapong hindi siya ang gumuhit.
Sa loob ng mahigit isang dekada, maraming hindi nagbago sa kanyang buhay, gaano man kasidhi ang damdamin niyang higitan kung ao lamang ang inihain sa kanya ng tadhana.
Ang panahon ay tila inilipad lamang ng hangin. Ang mga tao sa kanyang paligid ay nagbago, may nawala, kakaunti ang nanantili.
Sa loob ng mahigit isang dekada, kabilang sa hindi nagbago ay ang pagmamahal niya kay Carlo, ang nobyo ng kanyang kapatid. Matagal itong nawala, ngunit palagi ring bumabalik. At sa huling pagbaik nito ay nalaman niyang ikakasal na ito sa kanyang ate…
Samo sa Langit
Isang mapanganib na laro ang pag-ibig. Pastor Silvio Cardona at Mrs Adriana Castro.
Dalawang taong magkaiba ang direksiyong tinahak ngunit minsa’y pinagbuklod ng abot-langit na kasalanan…
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 9:39:29 GMT -5
TERRITORIO DE LOS HOMBRESBATCH 1BURT SULLENJared Burt, supermodel extraordinaire, at tanging pantasya ni Fate. Noon. Noong hindi pa siya ipinapahiya nito sa haram ng napakaraming tao. Noong hindi pa bumabandera ang kanyang larawan sa mga tabloids habang hawak ang sarili niyang extra large bikini, Dahil doon, tuluyan na siyang nawalan ng self-esteem.
Habang buong tiyaga siyang nag-eehersisyo upang tunawing ang kilu-kilong bilbil niya sa katawan ay ang mukha nito ang laman ng isip niya. Retribution would come. And the wicked shall pay.
When she finally achieved her goal of having a voluptuous body, she decided it was payback time. She headed straight to the lion's den-ang Territorio de los Hombres.
Magawa kaya niyang maakit ito?POCIOLO ALMENDRABalak pikutin ni Cher ang batikang abogadong si Wulfredo Resplandor kaya naman ginawa niya ang lahat upang siya ang maging babaeng lalabas sa birthday cake nito. Plano niyang may mangyari sa kanila. Ngunit sa huling sandali ay nagbago ang isip niya. Lasing na siya at nang hagkan siya nito ay nadala siya. Naisip niyang tatalilis na lamang siya kinabukasan, tutal ay hindi siya namukhaan nito. It was dark and she was wearing a veil.
When she woke up the next day, she found out the darkness didn't work for her advantage. Sapagkat hindi si Wulfredo ang nakasiping niya kundi si Pociolo Almendra, ang hudas na ex-boyfriend niya na nagtaksil sa kanya apat na taon na ang nakalilipas.
And everything went avalanching from there because the two days after that incident, she got drunk again and ended up marrying him. JULIAN INOCENTESURBINO CALLEONMaraming pagkakamali sa buhay si Kristina. Isa na roon ang wala sa panahong pagkakaroon niya ng anak na walang nakagisnang ama.
Hindi siya naghahanap ng katuwang sa buhay. Kontento na siya sa pagmamahal mg kanyang anak. Ngunit sa isang di inaasahang pagkakataon ay nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay niya si Urbino—ang dating nobyo ng kanyang kapatid at matagal na niyang lihim na minamahal. Parang hulog ng langit ito na naging sagot sa kanyang mga dasal. Napakalaki ng puso nito para tanggapin ang lahat-lahat sa kanya, pati na ang ginawang pag-iwan dito ng kapatid niya sa araw ng kasal ng mga ito. Ipinakita nito ang labis na pagmamahal nito sa kanya at inalok pa siya nito ng kasal.
Dahil doon ay nagsimula siyang humabi ng mga pangarap—pangarap na agad ding gumuho nang sa araw ng kanilang kasal ay hindi ito dumating…FRANCISCO DE CAMBRENapilitan si Elma na magpakasal kay kiko dahil iyon ang hiniling ng mommy nito bilang kapalit ng lahat ng ari-ariang naisangla rito ng kanyang mga magulang. Sa umpisa lang siya nag-alangan. Sa huli ay naisip niyang hindi na masama ang deal kung makukuha naman niya ang lahat ng pinaghirapan ng mga magulang niya.
Halata namang napilitan din lang si Kiko na magpakasal sa kanya kaya at bago pa man naganap ang seremonya ay usapan na nilang wala silang pakialamanan sa buhay ng isa’t-isa.
Ang akala niya ay ganoon na lamang kadali iyon, ngunit natagpuan na niya ang sariling gustong makialam sa buhay nito. Lalung-lalo na sa sex life nitong tila wala itong balak na itago sa kanya. Ang sabi pa nito: “I’m a man with needs. And since my wife cannot provide me with those, I figured I should get them from other women since I could.”ANTONIO INNOCENTESAnton was popular, rich, and powerful. He had the world in his hands. When he met Violet, he tried to drive her away. He never wanted to take advantage of her. Naiilang siya sa babaeng parating naroon kahit saan siya magpunta. But he found it hard to keep resisting her for she was a very beautiful woman.
One night, something happened to them. He avoided her all the more. Suddenly she stopped being there. And he wanted to move heaven and earth to have her again.CARMENCITO ESCARLANDahil sa pag-iwas ni Ella sa ina ng lalaking tinakbuhan niya sa altar ay nakarating siya sa Territorio de los Hombres. Doon ay nakita niya ang lasing na si Carmencito Escarlan, isa sa mga kaibigan ng pinsan niya ay isa rin sa mga may-ari ng lugar.
Masaya silang nagkuwentuhan kahit hindi nito maalala kung sino siya. Hindi niya ipinakilala ang kanyang sarili rito. At mukhang hindi rin ito interesado roon. Mukhang mas interesado ito sa maaring mangyari sa kanila. At kataka-takang ganoon din siya. They ended up having sex in his house.
Lito ang isip, pinili niyang takasan ito. Ngunit hindi pala niya magagawa iyon nang habang-buhay. Dahil sa isang gabi ng kabaliwan ay nabuo ang isang inosenteng nilalang.
Paano niya ngayon ipapaliwanag iyon dito gayong ni hindi nga nito matandaang may nangyari sa kanila?PABLITO ALZATEThere was arrogance in his gait. He walked as if he owned the room. He was tall. He looked rough on the edges. He was oozing with raw masculinity. He looked bold, sharp, dangerous.
Nang makalapit ito sa kanya ay hindi pa rin ito ngumingiti. Naupo ito sa tapat niya.
“Sophia San Isidro,”he said. He seemed bored.
“Pablito Alzate,” balik niya. Hindi na siya nag-abalang magpakita ng ngiti rito. What for? “I already ordered for us. Nainip na ako sa kakahintay.”
Kumunot ang noo nito. Humalukipkip ito habang nakatingin sa kanyang mukha. “What makes you think you know what I like?”
“For God’s sake, it’s just food.” Nairita siya.
“What did you order for me?”
“Chicken.”
“Then I guess you don’t know me at all. Do you know what I want to have for dinner?
“What?”
Ngumisi ito, saka sumagot. “You.”SALVADOR TERCEROPersonal assistant and lover. Iyon ang ilang taon nang papel ni Esmeralda sa buhay ni Salvador Tercero, isang abalang negosyante at anak ng miyembro ng gabinete ng bansa. She never asked him anything. Ayaw niyang maging mapaghanap dahil nangangamba siyang mawala ito.
Hanggang sa dumating ang puntong maalala niya ang kanyang sarili. Nagsimula siyang pagtuunan ng pansin ang lahat ng bagay na ipinagpaliban niya para lamang makapiling ang binata.
Ipinagtapat niya rito ang lahat. She spoke to him as Esmeralda, the woman, not Esmeralda the assistant-lover. Natuklasan niya kung hanggang saan lamang ang kayang ibigay nito sa kanya. Nalaman niyang wala itong nakalaan na posisyon sa buhay nito para sa kanya sa hinaharap.
She decided to move on with her life without him. That was when she met an accident that would change her life forever…JOSE MARIA ASILOHindi naging maganda ang samahan nina Laura dela Cruz, ang presidential daughter, at ni Jose Maria Asilo, ang anak ng bise-presidente ng bansa. Kahit sabihing kapwa nila kaibigan si Salvador Tercero, ang anak ng defense secretary, ay sadyang hindi sila magkasundong dalawa.
Alam ni Laura kung paano aasarin nang todo ang binata. Mayabang na ipinapahayag niya ritong sa kanyang opinion ay may gusto ito sa kanya. Pikon na pikon ito sa kanya.
But then things changed. Unti-unti silang nagkakasundo, upang muli lamang na maging magkaaway. Sa pagkakataong ito, mas malala pa ang away nila kaysa sa mga naunang pagtatatalo nila.
Noon dumating ang isang malaking problema sa buhay ni Laura na maaring makapagpabago sa kanyang buhay at makasira sa pangalan ng kanyang ama. Wala siyang ibang mahingan ng tulong kundi si Salvador Tercero.
At nang araw na dapat silang magtagpo, iba ang dumating—si Jose Maria.WULFREDO RESPLANDOR 1Attorney Wulfredo Resplandor was a respected and famous lawyer and the president of Territorio de los Hombres. Mula sa pamilya ng mga basagulero at siga, nagawa niyang magtagumpay sa kanyang matinding pagsisikap. Dugo, pawis, at pasakit ang puhunan niya makamit lamang ang kanyang mga pangarap. Now, he had everything he only used to dream about—and more.
Walang mag-aakalang ang mga gabi niya ay puno ng kahungkagan at pangungulila sa isang babaeng dapat ay matagal na niyang kinalimutan—si Bianca. d@mn her for playing with his emotions, for not staying true to her words….WULFREDO RESPLANDOR 2Kinailangan ni Bianca ang tulong ni Wulfredo. Napakaraming taon na ang nakapagitan sa kanila at hindi na niya alam kung paano niya muling haharapin ito. At muli nga ay nagkita sila. Ibang-iba na ito sa Wulfredo na noon ay labis na minahal niya. He was cold, he was distant. But he helped her. Or she thought he did. Sapagkat may kabayaran pala ang tulong na iyon….
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 9:43:33 GMT -5
TERRITORIO DE LOS HOMBRESBATCH 2RODRIGO AMBROSIADominique’s father believed it was his duty to find her a husband because she couldn’t do it in her own. All her life, she believed in seclusion. At dahil hindi niya kailanman sinuway ang kanyang ama ay napilitan siyang sumang-ayon nang sabihin nitong pakasalan niya ang lalaking napili nito.
The man was Rodrigo Ambrosia—a millionaire, a rock star, dashing and smooth, isang lalaking kailanman ay hindi mahuhulog ang loob sa kanya. Paano mangyayari iyon gayong hindi nagsisinungaling ang salamin sa tuwing titingin siya roon at makikita niya ang kanyang hitsura?
She had no illusion about her looks or about the way their marriage would go. And she told him that. She made sure he knew she was okay with him still seeing other women.
Ngunit gaano katagal na makakaya niyang lokohin ang kanyang sariling bale-wala iyon sa kanya? Na kailanman ay hindi siya maaapektuhan niyon?OSCARIO 'KAROY' REGENCIOCharis had an on-and-off relationship with Karoy—the man who never even became her exclusive boyfriend. He was gorgeous, he was rich, he was funny; his personality was dazzling and he was good in bed.
Labas-masok ito sa buhay niya sa loob ng ilang taon at hinayaan lang niya ito sapagkat mahal niya ito. Sa tuwing maghahanap siya ng mas malalim na relasyon, mawawala ito, at muli na naming babalik tuwing nais na niyang baguhin ang takbo ng buhay niya o kapag may dumarating na ibang lalaki sa kanyang buhay. At kapag umaasa na naman siyang lalalim kung ano man iyong mayroon sila ay mawawala na naman ito. It was a cycle that she grew tired of. She decided to stay far away from him.
Habang palapit na ang araw ng kanyang pag-alis ay parang ayaw na niyang matuloy iyon. Ngunit bakit hindi niya itutuloy gayong wala naman ito ni isang hakbang na ginawa upang pigilan siya?HONESTO 'ONE-D' DIZON 1Rita met One-D when they were very young. He was a struggling musician, struggling student, struggling son—while she was a lazy student, daughter to separated and always busy parents. Biru-biruan lang ang naging panunuyo nito na pinatulan naman niya. She never thought they’d end up having a very strong relationship that endured different stages of calamities.
She thought they could make it. As long as they had each other nothing could ever break them. But something did. At ngayon, malayung-malayo na sila sa kung ano sila noon.
Mas gusto niya ang One-D noon na parating kupasin ang damit at ipinanlilibre sa kanya ang food stub sa school cafeteria nila ngunit mahal na mahal naman siya—kaysa sa One-D ngayon na sikat na sikat at mayaman ngunit galit na galit sa kanya at wala nang ginawa kundi ipamukha sa kanyang ginamit lang siya nito.HONESTO 'ONE-D' DIZON 2Alam ni Rita na kailangan niyang iwasan si One-D ngunit sa tuwing pupuntahan siya nito ay buong pusong tinatanggap niya ito. Hindi niya kayang pahindian ang lalaking mahal na mahal pa rin niya sa kabila ng lahat ng ginawa nito sa kanya.
Hanggang sa may mangyari uli sa kanila.
“You can’t deny it, Rita, you want me,: he declared.
Hindi siya makatingin sa mukha nito. Paano niya itatanggi iyon? Munting haplos lamang nito ay halos matunaw na siya.
Nais niyang magalit sa kanyang sarili sa nangyari sa kanila ngunit kasabay niyon ay may bahagi sa loob niya ang masayang-masaya kahit sandali lamang ay nagkasama sila, that they shared the same kind of intimacy that couldn’t be achieved any other way.
Ngunit hanggang saan siya dadalhin ng damdaming iyon na higit siyang pinaiiyak kaysa sa siya ay pinasasaya?ESTEBAN CALAIRODahil sa tiyuhing pasaway ay walang nagawa si Marita kundi ang bayaran kay Esteban—isang mayamang binata, guwapo, mabango, ngunit saksakan ng sama ang ugali—ang utang na hindi sa kanya. Wala na siyang narinig rito kundi: “Bilisan mo!”
Buwisit na buwisit siya rito. Ngunit minsan ay binigla siya nito sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanya sa lahat bilang kasintahan nito. At mula noon, nagulo ang mundo nila. Hanggang sa dumating sa puntong sa halip na “Bilisan mo!” ang sabihin nito, ninais niyang marinig ang mga katagang “Mahal kita.”
Ang kaso, mukhang malabong mangyari iyon. Walang-wala kasi siyang binatbat kung ikokompara sa babaing mahal nito.CALIXTO MASCARDOKan-kan wanted no one else but Ali since she was young. Sa tingin niya ay may pagtingin din ito sa kanya sapagkat bawat kahilingan naman niya ay pinagbibigyan nito. Ngunit sa muling pag-uwi niya ng bansa mula sa matagal na pamamalagi sa Amerika ay labis siyang nasorpresa sa kaalamang handa nang mag-propose ang binata sa iba. He even baked a cake for the woman to set his engagement ring on. Aba, hindi siya makakapayag! She ate the cake and ruined his proposal. At gagawin niya ang lahat upang hindi matuloy iyon.
Ngunit kaya ba niyang tuluyang pigilan ang binata?VILLADOR VILLADORKay tagal nang minahal ni Lucinda si Villador ngunit noon pa man, batid na niyang ang kapatid niyang si Liza ang gusto nito. The two got engaged and there was nothing she could do about it. And though it pained her to see Liza didn’t really love Villador, she kept quiet. And one day, Liza came up to her and said: “Give me twenty-five percent of your stocks in the company and I’ll give you V.”JULIAN INOCENTES (A NEW LOVE) 1Handa na si Mrs Barbara Conception-Arania, and biyuda ng dating Supreme Court justice, na harapin ang mga hombres. She was going to claim what was hers—ang Territorio de los Hombres. She was armed and she was tough as nails. Walang makakapigil sa kanya.
Ngunit hindi niya inaasahan ang isang Julian Inocentes—ang biyudong hombre na galit sa mundo. He was larger than life, rude, arrogant, and gorgeous. And it seemed like all he wanted to do was make sure that she knew he hated her guts as he was kissing her and she was losing all conviction to fight that desire he so very easily ignited every time.JULIAN INOCENTES (A NEW LOVE) 2And so Barbara married Julian to get what she had always wanted. Pero ang mga pangarap pala ay nagbabago. Ang mga pangarap na nakamit niya ay nabago. Wala na siyang ibang nais ngayon kundi makasundo ang kanyang asawa.
But how can they live together peacefully when she didn’t trust him and he didn’t trust her? Parati silang nakabantay sa isa’t-isa, takot sa maaring gawin ng isa. At higit sa lahat, walang balak ito na kalimutan ang dating asawa nito.
Nakakpagod palang makipagkumpetensiya sa isang alaala. At naisip niyang marahil ay mas mabuti pang tigilan na nila ang larong iyon sapagkat nahuhulaan na niyang sa banding huli ay walang mananalo sa kanila.
Ngunit kaya ba niyang lumayo rito?TIBURCIO 'RICO' WENCESLAONancy had known Tiburcio ever since they were young. At mula pa noon ay kalaban na niya ito sa pulitika sa eskuwelahan. Hanggang sa kapwa na sila maging matagumpay na abogado at nabilang sa magkalabang partido sa pulitika. At dahil sa tingin ng partido niya ay wala siyang panalo kung lalabanan niya ito bilang kongresista, napilitan siyang timakbo na lamang bilang vice governor. She hated his stinking guts. Not only because he became what she wanted to be but also because once upon a time they dated. And they had sex. And then he avoided her. All of that happened before her makeover.
Now that she was fabulous, he started to flirt with her again. What a jerk! Ang kaso, bakit kapag hahagkan siya nito ay bumibigay siya?
Sa magulong mundo ng pulitika, may lulugaran ba sila? Or was the space so crammed up the only thing they could fit in was a couple of French kisses and absolutely nothing else?
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 9:46:30 GMT -5
TERRITORIO DE LOS HOMBRESBATCH 3GEORGE GOROSPEIt was Courage eighteenth birthday when she gave herself to then twenty-year-old George Gorospe. That night, their twins were conceived. Nagpakasal sila. Pero dahil mga bata pa sila, tila palagi na lang wala silang nagawang tama. They decided to end the relationship before they lost their respect for each other.
Magkahiwalay man ay nagawa nilang palakihin nang maayos ang kambal nila. May kanya-kanya silang buhay na bagaman nagtatagpo ay malayo na sa isa’t isa.. George was now a congressman, dating a beauty titlist, while she was never able to get into any romantic relationship with any guy after him.
But no, she was not in love with him, that was what she always told herself. For she knew there never was a time when he loved her. Kaya bakit makalipas ang mahabang panahon ay bigla na lamang itong nagagalit ngayon at inaakusahan siyang hindi nagiging mabuting ina… sa dahil lamang inaakala nitong may bago siyang nobyo?FABIAN POBLETEDala ng pagkakasamaan ng loob ng kanyang ama ay nagbakasyon si Bonita sa probinsiya ng kanyang lolo. Doon ay nakilala niya si Fabian Poblete, ang congressman na suki sa barberya ng kanyang lolo. Unang pagkikita pa lamang nila ay hindi na siya natuwa rito. Hindi rin naman ito natuwa sa kanya sapagkat na-murder niya ang buhok nitong kung itrato nito ay tila ginto.
Tuwing makikita siya nito ay parati siyang pinagagalitan nito na animo may karapatan itong gawin iyon.
Ngunit ang inis niya ay unti-unting napapalitan ng kilig. Hindi dapat mangyari iyon sapagkat magkalayung-magkalayo ang mga mundo nila… Siya ay isang babaeng barbero na pilit ipinapakasal ng kanyang ama sa isang manliligaw niya… Habang ito naman ay isang mahusay na abogado at politico, mayaman at sikat. Saan lulugar ang kilig niya?MACARIO AGONCILLO“You really want me to name my price? I told you, you couldn’t afford me,” pagpatol ni Inday sa pang-iinsulto ni Mac.
“Just try me.”
“A wedding ring.”
Natigilan ito; nang makabawi ay tumawa ito nang malakas, “You’re right. I cannot afford you. Honey, you’re way over yourself. Let’s start with a hundred grand. How about that?”
“Get out.”
“Two hundred?”
Naglakad na siya patungo sa pinto at binuksan iyon. “Out.”
He didn’t look bothered at all, he was even grinning. Lumapit ito sa kanya. Pumaikot ang braso nito sa kanyang baywang at hinila siya palapit ditto.
Nanuot sa kanyang ilong ang mabangong amoy nito. She tried to push him away but he wouldn’t budge. And just like that, he kissed her. And she guessed it would be very hard, if not impossible, for her to figure out why she found herself responding to him like the passionate woman she never thought she was.RENATO 'ATOM' VIRAYAyaw pumayag ng damdamin ni Frida na magsimula at matapos ang ugnayan nla ni Atom sa isang lasing na gabi sa buhay nila kahit iyon lamang ang nais nito. He was scared of her brother, who was one of his best friends.
She did her best to make him hers… and for a while, he became hers. Kahit parang mga pugante silang nagtatago sa kapatid niya ay nakontento na rin siya roon sa pag-asang ito ang unang hindi makakatiis sa sitwasyon. Ngunit hindi iyon ang nangyari. He said good-bye, for real this time.
Until came one crazy night when something happened to them again and she ended up getting pregnant. And he ended up offering marriage. Paanong hindi mangyayari ang ganoon gayong sa harap ng kapatid niya ipinagtapat nito ang lahat?JACINTO 'JG' GERANO 1Muling pinagtagpo ng pagkakataon sina Bining at Jacinto. Kapwa napakalayo na ng kanilang narrating. Jacinto was now a cabinet-level official. Bining was now Mrs. Yakanura, wife of a powerful businessman.
Naiba man si Bining ay may hindi nagbago sa kanya—ang abot-langit na pagmamahal para sa kasintahang si Jacinto, ang kanyang Intoy. Ngunit sa parte ni Jacinto, malayo man ang narating nito, may natirang bagay sa puso nito mula sa nakalipas—ang galit para kay Bining.JACINTO 'JG' GERANO 2Ayaw nang pakinggan ni Bining ang tawag ng konsensiya. For so long, she had dreamed of being in Intoy’s loving arms again. She stepped on forbidden territory with him… Was the love he said he never lost for her real? Was it worth sacrificing everything for… again?
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 9:49:31 GMT -5
TERRITORIO DE LOS HOMBRES BATCH 4ALEJANDRO O'HARAAlejandro had always lived like a king—he always got what he wanted, thanks to his good looks and his family’s wealth. For the first time in his life, he thought of making some money of his own. In the middle of his first and very expensive venture, his parents dropped a bomb: he would no longer have access to their money unless he sired a child. He had to find a willing uterus—fast!
Just when he was about to lose hope did he find one. Sampaguita’s.
Hindi ito ang babaeng gusto niya dahil ni hindi niya kilala ito. Isang caddy ito na hindi na nga mahusay sa trabaho ay naninigaw pa. Pero wala na siyang pagpipilian. Nauubusan na siya ng panahon at ito na lamang ang makapagliligtas sa kanya…
|
|
|
Post by kar0yski on Aug 2, 2007 12:49:50 GMT -5
LOVE STORIES1. Ang Love Story ni Alicia2. Ang Love Story ni Nene3. Ang Love Story ni Ruru4. Ang Love Story ni Cate5. Ang Love Story ni Adorada6. Ang Love Story ni Mitch7. Ang Love Story ni Charisa8. Ang Love Story ni Melody9. Ang Love Story ni Lee10. Ang Love Story ni Juana11. Ang Love Story ni Bam-Bam12. Ang Love Story ni Paulita 113. Ang Love Story ni Paulita 214. Ang Love Story ni Ebeng15. Ang Love Story ni Summer
|
|