hello mga friends, im back from outer space ;D
o sha, i- si- share ko yung mga pangyayari na namiss ng iba jan kahit na ba isang linggo mahigit na ang nakaraan
i was arrived 10 minutes past 2. akala ko eh late na ako, but i was suprised to know na halos 1/4 pa lang ng population ang nasa venue. tsk! sabi ko na nga ba, filipino time ang mangyayari.
enewei, nag start yung ng mga past 3 na. It was started with invocation followed by welcoming the guest & pinakilala na isa isa ang mga writers na uupo sa panel. Here are the list of writers in attendance:
-Sheena Rose
-Claudia Santiago
-Jasmine Esperanza
-Almira Jose
-Bernadette Licarte
-Cora Clemente
-Laurice Del Rio
-Sharmaine Galvez
-Elizabeth Mcbride
-Rose Tan
-Amanda
-Camilla
-Sofia
-Sonia Francesca
-MC
-and our very own MS. VANESSA (palakpakan mga kaibigan!!!)
itthy, aka as Cassandra also grace the event. i was suprised yet nakakatuwa rin na isa sa member natin dito eh isa ng ganap na writer sa bakuran ng phr.
i hope wala akong nakalimutan
Back to topic:
after that, ni launch ng phr ang kanilang site at kung ano ang mga latest update, book release & sked of events ng phr. ( i hope magtuloy-tuloy na yan!)
1st game: talong-pechay contest.[/i] honestly di ko maintindihan ang mechanics ng laro o dahil di ko lang inintindi kasi busy ako makipag chikahan sa editorial staff nila sa likuran, hehehe. enewei, napanalunan ito nina Rose Tan, si chie/jecjec at yung isa pa na di ko na maalala. Remind me na lang kung sino sha
2nd game: Guess the title.[/i] Hulaan ng title ng books of the certain writer. Sa totoo lang, ang hirap nun huh? Sa dami ng writers at books na na release nila way back in 90's eh maalala mo pa ba lahat yun? buti na lang di ako nag volunteer na sumali, pag nagkataon..... bokya!
3 team ang naglaban, 1st to make 3 correct answer at yung 2nd group ang nanalo.
3rd game: Bring me.[/i] Unahan dalhin kung anong hinihingi ng emcee. Ang natandaan ko lang na hiningi nila: the 1st one to bring, oldest /newest imprint book, cellfon na may check operator service, mamang may necktie, pinakamatagal ng writers sa phr, company id ng writer at kung ano ano pa. Ang tanging natandaan ko, si Carmi na kina- reer ang pagsali, kahit isa wala man lang napanalunan
4th game: Dugtungan ang kuwento.[/i] A game for the writers only. Dudugtungan nila ang kuwento ng bawat isa. Truly, dito ako nag enjoy ng husto, it really caught my interest. it was a challenge on their part on how creative they are to make a story on the spot. It was serious at 1st, kaya lang nung sa part na ni ms. sofia, parang dun na umikot yung story, or rather, naging love story na nya. Buti na lang , mahusay mag adlib si ms. van followed by ms. rose tan kaya naging comedy ang dating. If you only saw ms. sofia how she really blushed in embarassment, hehehehe.
Si Sir JM (Jun Matias , the Publisher) ang nag draw ng pa raffle, mga 5 kahon yata yun. Im not sure kung yung ibang nanalo sa draw eh talagang suki ng phr at may hinahanganng writer or napadaan lang doon.. hehehe joke lang! Pero may iba naman na talagang nanalo na ka chokaran natin, like si Karen na ating mod sa kabila eh nanalo ng 2nd major draw. Akalain mo yun, nanalo pa sha kahit na latecomer . Talaga naman, it was her lucky day! (According to her she won the TV & DVD Rack?)
Bad trip, halos lahat ng nabunot eh nasa 200+ ang stub #. San kaya napunta yung amin? di kaya natabunan or worst natapon sa trash can? hehehehe, joke lang poh!
Question & Answer portion:[/i] All the fans had their chance to ask their fave writers, lahat ng gusto nilang itanong, its either about their novels or anything under the sun. At ito ang pinaka ewan na part, ginawa akong spokepersons ng mga kahanay sa upuan upang tanungin ang isa sa panel, since akoy miembro ng alphakapalmuks! eh naglakas loob na akong nagtanong. Actually, ang dami kong gustong tanungin na mga writers but since sabi ni mr. emcee na last question na yun eh di na ako nagpasaway!
The following are those who rendered a song in between the program:
-Si Jessie from phr editorial dept.
-Si Ms. Amanda, the writer
-at sina...tantaratantannnnn............. si WENG AT SI CHIE/JECJEC ;D (palakpakan!!!)
o diva, iba ang level ng dalawa, though at 1st parang may stage fright ang mga lolah nyo, pero naitago nilang mabuti ang kanilang mga alagang daga sa dibdib, i can say they did well sa kanilang performance. wag mag alala dahil di naman nagkaroon ng total eclipse sa buong sm habang sila'y kumakanta, ahahaha ;D (no pun intended)
Siempre ang last part, yung pinaka paborito ko...... tsibugan, book signing, chikahan with fave writers at picture-picture. ;D
btw, the next phr grand fans day will be 3 years from now, meaning sa 2010 pa ang kasunod. Sana lang that time eh available pa ang bawat isa sa atin, ahahahaha ;D
O sha, napahaba na yung kuwento koh, yung mga pics, for sure nakita nyo na sa ibang site na miembro kayo. siensya na, wala talaga akong hilig magdala ng camera kasi tamad ako! yun lang ang excuses na maibibigay ko (bukod sa wala akong datung!, hehehehe). If ever, ask ko ang permit ng ibang kinauukulan para ma post ko yung ibang pics dito. But all in all, it was fun, a well memorable event . At least i have a chance to meet, up close & personal my faves writers.