|
Post by candyspice on Feb 25, 2007 22:44:12 GMT -5
waahh bakit hindi pa dumadating si narciso d2 sa min???
|
|
|
Post by candyspice on Mar 13, 2007 23:42:51 GMT -5
currently reading miguel yakanura, grabe yummy ng cover!!! hehe! can't help but wonder kung may story si alicia at guido, may something-something kc sila e.
|
|
|
Post by Tebulats on Mar 14, 2007 0:23:01 GMT -5
for sure they have their own love story hmn, thats remain to be seen
|
|
xta
New Member
>xta<
Posts: 32
|
Post by xta on Mar 14, 2007 20:55:15 GMT -5
candyspice> im also curious about that..hmmm prediction: kasama sa pepper?! if not sa individual stories ni ms.van ;d marge> tama k dyan sis, mukhang meron... ;d hihihi may kung anung bond ang nagtatali eh ;d let's juz wait and see
|
|
|
Post by Tebulats on Mar 15, 2007 4:16:35 GMT -5
mga kafatid, na confirmed ko lang kahapon na may story nga sina guido & alicia titled: Ang love story ni Alicia & due for release on next week (march 21). para sa iba pang naka line up na phr books, you can visit their site, phr-site(hay, salamat, buti naman at updated na yung site, wag lang sana sa umpisa at balik uli sa dati na parang ningas cogon huh?!) ;D ;D
|
|
|
Post by candyspice on Mar 15, 2007 10:57:54 GMT -5
akala ko sa pepper series din kc di ba may asawa dati si guido? anyway, buti nmn at updated na ang website ng phr after 50 million years of being stagnant! hehe!
|
|
kassandra
Full Member
"Imagination is more important than knowledge."
Posts: 208
|
Post by kassandra on Mar 16, 2007 1:47:29 GMT -5
oo nga...ilang beses din ako nagpa register dun ala naman nangyayari....
|
|
xta
New Member
>xta<
Posts: 32
|
Post by xta on Mar 16, 2007 2:19:08 GMT -5
sabi na eh..may sariling story cla ni guido..hehehe tnx sa info marge ay naku buti n lang maayos na at updated na tyo sa mga bago question lang: ung store visit for the yr 2007 b un? o nung mga nakakaraang taon pa?
|
|
keiko
New Member
Posts: 8
|
Post by keiko on Mar 19, 2007 4:39:23 GMT -5
wala bang teaser para sa new novels ni ms. van?
|
|
xta
New Member
>xta<
Posts: 32
|
Post by xta on Mar 20, 2007 22:28:49 GMT -5
excited na ko sa batch 2!!! hehehe ;d
|
|
jing
New Member
Posts: 35
|
Post by jing on Mar 25, 2007 11:59:27 GMT -5
sabi ko na nga ba eh, na may story si alicia at guido, excited na ko sa story nila ha... :-)
|
|
kimi09
Junior Member
I wanted to keep everything shallow yet meaningful -kimi
Posts: 65
|
Post by kimi09 on Apr 2, 2007 7:36:36 GMT -5
kelan kaya lalabas ung batch 2?
|
|
jecjec
Full Member
Ms. Van at Akoh...
Posts: 115
|
Post by jecjec on Apr 13, 2007 7:47:52 GMT -5
excited na ko sa batch 2!!! hehehe ;d ako dn excited nah sa batch 2 kahit d ko pa nababasa ung stroy ni miguel yakanura pero my copy na meh.....mejo la me sa mood kc ahihih...
|
|
carmilina
New Member
"Freedom, Passion , Love , Creativity, Originality" ----key to a SUCCESS!!!
Posts: 23
|
Post by carmilina on Jul 18, 2007 23:27:31 GMT -5
hay,,
kumpleto ko na ito!!!!!!!!!!!!!
hehhehe
|
|
|
Post by Tebulats on Aug 8, 2007 5:00:21 GMT -5
hey, heres another teaser of the series IPINAKIKILALA ANG MGA OSKURO MULA SA TRIBU NG MARADISO[/color][/size] Pepper 9: Tatha 1[/color][/b] Teaser:[/color] Nang lumuwas sa Maynila si Tatha ay isa lamang ang kanyang intensiyon---ang makapaghanap ng trabahong makakatulong sa kanyang kapatid na mayroong karamdaman. Dahil lumaki sa payapang lugar ay hindi siya sanay sa buhay-siyudad. At hindi niya inakalang mapapasama ang kanyang lagay doon.
Salamat at may dumating na isang tagapagligtas, si Maximo Rivero. Mabait ang matanda sa kanya at itinuring siyang parang isang tunay na anak. Tunay ang malasakit nito sa kanya at sinuklian niya iyon ng ganoon din.
Subalit dumating ang pagkakataong nakilala niya ang anak nito, si Augusto. Kabaligtaran ito ng ama nito---arogante ito, mapagmaliit. At ang nais nito’y simple lang---ang mapaalis siya sa buhay ng ama nito. Pepper 10: Tatha 2 [/color][/size] Teaser:[/color] Kinailangan ni Tatha na makisama kay Augusto ayaw man niya. At natuklasan niyang maaari naman pala silang magkasama ng maluwat. Unti-unti ay nabago ang kanilang samahan. At unti-unti ay natuto siyang mahalin ito.
Akala niya ay wala na silang magiging problema, na magiging maayos na ang kanilang samahan, sapagkat nadarama niyang may pagtingin din ito sa kanya, subalit may mga bagay sa kailan lang na nakalipas sa buhay niya ang sumusunod sa kanya, anumang pilit niyang kalimutan na ang mga iyon… Higit sa lahat, may mga bagay palang hindi kinalimutan si Augusto---kabilang na roon ang mababang pagtingin nito sa kanya. Pepper 11: Kay-ri[/size][/color] Teaser:[/color] Honeydew was obsessed with the model Joey Mills, a member of the Maradiso tribe of the ethnic group Oskuro. He was G-O-R-G-E-O-U-S. He turned out to be her cousin’s wife’s ex-boyfriend and now close friend. Dahil mayroon silang koneksiyon ay feeling close siya rito kahit hindi siya nito pinapansin.
Isang araw ay nalaman niya kung bakit biglang nakasal ang kanyang pinsan sa asawa nitong isang katutubong tulad ni Joey “Kay-ri” Mills---nagpalipas ng gabi ang lalaki sa bahay ng babae. A bold idea entered her mind… Pepper 12: Du-an at Ingga[/color][/size] Teaser:[/color] Dinurog ni Du-an ang puso at kumpiyansa sa sarili ni Ingga noong sila ay nasa lugar nila. Pinagtawanan siya nito nang harapan nang akalain niyang iniibig din siya nito.
Makalipas ang maraming mga taon ay muli silang nagkita. Iba na ito at lalong ibang-iba na siya. Isa na siyang artista, habang ito naman ay mayamang negosyante.
Ang ipinagtataka lamang niya ay kung bakit ito umaarteng para bang obligasyon nitong protektahan siya. Mukhang may gusto sa kanya… ang kaso ay ayaw niyang muling magkamali ng hinala. At lalong ayaw na niyang mapaugnay dito, tanda pa rin niya ang ginawa nito sa kanya noon.
Pero sa kung anong biro ng kapalaran ay kinailangan nilang magpakasal… Pepper 13: Lumlitan[/size][/color] Teaser:[/color] Isa sa pinakamagandang babae sa tribu si Lumlitan. Ngunit pagluwas niya ng Maynila ay maraming tao ang namintas sa kanyang hitsura. Masakit man iyon sa kanyang kalooban ay hindi naging hadlang iyon upang manguna siya sa klase at sa huli ay mag-apply sa isang malaking kompanya, sa Horace Industries.
Simple lang ang pangarap niya sa buhay at iyon ay ang makatulong sa kanyang pamilya. Malaking biyaya niyang itinuring ang pagkatanggap sa kanya sa Horace Industries sa isang mataas na posisyon.
Ang kanyang simpleng buhay ay nagkaroon ng komplikasyon nang matagpuan niya ang sariling umiibig sa anak ng kanyang boss, si Danielito Marasigan---makisig, guwapo, edukado, mayaman, at ikakasal na sa isang anak-mayaman din.
Wala naman siyang magagawa sa kanyang nadarama, malinaw sa kanyang isang pangarap si Danielito na hindi niya kailanman makakamtan… Ngunit isang araw ay nasorpresa siya nang magsimula ang lalaking pagtuunan siya ng espesyal na atensiyon… Pepper 14: Alaia 1[/size][/color] Teaser:[/color] Mataas ang pangarap ni Alaia sa buhay. Plano niyang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga magulang, makapagtapos ng kanyang pag-aaral. Napakahirap para sa kanyang kamtin ang mga iyon kung hindi niya tutulungan ang kanyang sarili sapagkat ang kanyang sarili lamang ang kanyang inaasahan.
Salamat at nabigyan siya ng trabaho sa Villa Geronimo. Malaki magpasuweldo ang pamunuan niyon. At doon niya nakilala si Malvar, ang nag-iisang anak na lalaki ng may-ari ng villa.
Hindi man naging maganda ang una nilang pagkikita ay humingi naman ityo kaagad ng dispensa, sa pamamagitan ng isang mamahaling alahas at maapoy na halik… Pepper 15: Alaia 2[/size][/color] Teaser:[/color] Masyadong mabilis ang mga pangyayari sa pagitan nina Alaia at Malvar. Ang kanyang galit para sa kabruskuhan nito ay agad ding napalitan ng pagsuyo. Mahirap para sa kanyang hindi mahulog ang loob dito kung lahat ay ginagawa nito upang ipakita ang pagtingin sa kanya. Marami itong pinangako sa kanya, maraming pinlano para sa kanilang dalawa.
At nang dumating ang puntong lahat ng pangako nito ay binawi nito, inakala niyang isa lamang iyong masamang panaginip. Hiniling niyang sana ay hindi iyon totoo. Labis niya itong kinailangan ngunit ibang lalaki ang dumating upang sagipin siya. Tinulungan siya nito, iniba ang kanyang mundo.
Makalipas ang mahabang panahon ay nagbalik si Malvar. At kung magsalita ito ay para bang dapat niyang tanawing utang-na-loob dito ang naging pang-iiwan nito sa kanya noon…
|
|